^

PSN Showbiz

Mccoy, naka-relate kay Yorme

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mccoy, naka-relate kay Yorme
Mccoy at mga extra ng Yorme
STAR/ File

Hindi pala talaga si Manila Mayor Isko Moreno ang producer ng musical film na Yorme: The  Isko Domagoso Story na ipapalabas na sa mga sinehan beginning Dec. 1. Yes, ito ang first local film na ipalalabas ngayong bukas na uli ang ibang mga sinehan sa NCR.

Fake news diumano ang chikang ang alkalde ng Maynila ang produ nito dahil ang totoong producer ng Yorme ay ang Saranggola Media Productions na producer din ng 2019 MMFF movie na Suarez : The Hea­ling Priest.

Ayon sa director ng pelikula na si Joven Tan, ang tanging involvement ni Isko sa Yorme ay ang pagtitiwala niya sa Saranggola na gawing pelikula ang kanyang buhay at ang pagna-narrate niya rito. Ipina­ubaya rin diumano ni Isko sa producer kung aling institusyon ang magiging beneficiary ng ibabayad para sa kanyang story rights. “Kinausap namin siya ni Ms. Edith Fider (producer) na kung pupuwede ay gawan namin siya ng biopic kasi napaka-inspiring ng kanyang life story ‘di ba? And pumayag naman agad siya. ‘Yon nga lang meron siyang kondisyon – dapat daw ‘yung mga totoong nangyari lang sa buhay niya ang ilalagay namin sa pelikula,” sey ng direktor sa interview.

Dagdag pa niya, “At habang binubuo namin ang Yorme noon ay hindi namin alam na mahihikayat siyang tumakbo sa pagka-presidente. Wala kaming ideya. Matagal ‘yung naging proseso namin bago mabuo itong project, two years din ‘yon, tapos nag-pandemic pa kaya hindi rin agad naipalabas.”

Samantala, bida sa Yorme sina Raikko Mateo (bilang bata), McCoy de Leon (teenager) at Xian Lim (present generation). Mayroong 15 original songs ang pelikula na sinulat lahat ni Joven na kilala ring award-winning songwriter.

Samantala, aminado si McCoy na naka-relate siya habang ginagawa nila ang musical film na ito.  “Sobra akong naka-relate kasi unang-una taga-Tondo rin ako. Tsaka ‘yung time ko kasi na ginampanan pa-artista siya, eh, kaya naka-relate din ako dun sa feeling na sana mapansin din ako. Na sana makuha ako sa audition. Actually, may eksena ako rito na parang nag-o-audition na sobrang genuine siya kasi hindi siya karaniwang audition. Audition siya ng isang taga-Tondo,” pag-alala ng aktor.

First musical film ito ng bagong ama at sana raw ay hindi rin ito ang last. “Iba ‘pag musical, kumbaga ibang putahe. Buti na nga lang din may expe­rience ako sa theater dati na nagamit ko rin dito. Kasi kapag musical importante yung laki ng bibig, dapat kita yung sinasabi mo, tapos yung galaw mo. Kakaibang experience  ito for me and sabi ko nga kay Direk Joven sana hindi ito yung maging first and last ko.”

Dati nang gumagawa ng stage play si McCoy dahil sa impluwensya ng kanyang ama na bukod sa pagiging aktor ay director din sa teatro.

Ayon naman kay Xian, nakilala niya nang husto ang pagkatao ni Manila Mayor Isko habang ginagawa ang pelikula. At dahil nga dito ay na-inspire rin siyang maging mayor o kaya’y public servant din sa hinaharap.  “Of course, I think to be an inspiration to many and to be able to create change is very important. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change,” dugtong niya.

Samantala, bukod sa tatlong bidang lalaki ay kasama rin sa pelikula ang mga dating taga-That’s Entertainment na sina Janno Gibbs, Jestoni Alarcon, Tina Paner, Monching Gutierrez at marami pang iba.

YORME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with