Ang harsh naman ng reaction sa pagtanggap ni Aga Muhlach ng hosting job sa Net 25. Para namang sobra na sabihing demotion eh lumalaban naman ang Net 25 sa TV production ngayon.
Kinuha nila si Wilma Galvante, dating top gun ng GMA 7 at ng TV5, kaya ibig sabihin nasa fighting form sila. Kinuha nila sina Ali Sotto at Pat-P Daza sa isang morning show, at marami pa silang balak na kunin para sa marami pang show na balak nilang gawin.
Palagay ko naman alam ni Wilma Galvante kung paano gagawing top rater ang mga programa ng istasyon, at malay natin kung magawa rin niya ang mga nagawa niyang record sa mga show ng GMA 7.
Hintayin natin ang resulta.
Saka for Aga, trabaho ang dapat gawin dahil gusto niya. Tiyak na sigurado sila na magugustuhan ito ng manonood, at sa magic ng tandem nina Galvante at Muhlach, who knows, baka umariba ang rating ng Net 25.
Alden, malakas ang recall bilang endorser
Sa lahat ng naging endorser ng McDonald’s, ang pinakamalakas ang naging dating ay si Alden Richards. Talagang ‘pag may nakita kang McDonald’s, si Alden agad maiisip mo.
Saka parang si Alden ang pinakamatagal sa lahat ng endorser nito na talaga ‘pag nakita mo siya. Siguro nga kasi aside from mahusay siyang endorser naging mabait siyang ‘face’ nito. Very cooperative at talagang ipagmamalaki ng anumang produkto na kanyang ie-endorse.
Malaking bagay rin kasi na very pleasant ang endorser mo, approachable, sweet dahil ikaw ang nagdadala ng brand. ‘Yung ‘pag sinabi, naku ang bait ng model ng product na iyan, tiyak na magiging saleable agad ito. Eh kung masungit, siyempre minus factor dahil sasabihin, ‘ayoko niyan, suplado ang endorser’, wala nang benta.
Sa case ni Alden, lahat nagsabi, ang bait nito kaya type nila ang mga produkto na ine-endorse niya. Kasama rin iyon sa marketing, at dito lang lamang na si Alden Richards.