Claudine Baretto ipinasilip 1998 'love letter' ni Rico Yan sa publiko

A screengrab from Star Cinema's "Dahil Mahal na Mahal Kita" movie released in 1998 starring Claudine Barretto and Rico Yan.
Screengrab mula sa Youtube channel ng ABS-CBN Star Cinema

MANILA, Philippines — Ilang dekada man ang nakalilipas, kilig na kilig pa rin ang fans ng noo'y on-screen at real-life love team nina Claudine Barretto at Rico Yan sa sulat ng huli sa dating nobya — bagay na isinapubliko ngayong araw ng aktres.

Martes kasi nang ilabas ni Claudine ang sulat sa kanya ng yumaong ex-showbiz boyfriend na si Rico, bagay na iniakda pa noong ika-7 ng Setyembre, 1998.

"Double infinity ???? RYCB & CLAUDINIANS THIS IS FOR ALL OF U," ayon sa aktres sa isang Instagram post kanina.

Ang 23 taong gulang na letter, na isinulat ilang buwan matapos mag-break nina Claudine at aktor na si Mark Anthony Fernandez noon ding 1998, ay isinulat ni Rico noong anim na buwan pa lang sila magkasintahan.

Sinasabing naging official ang dalawa noong ika-4 ng Marso noong taong 'yon.

Hunny,

Just wanted you to know that youa re the best thing that has happened in my life. You are my life! While I watch you sleep, I can't believe [you're] mine.

Thank you for being my rock... and Hunny, 'You Rock.'

I love you very much,
Hunny

 

 

Napa-"awwww" na lang sa naturang post ang kapwa niya aktres at TV host na si Dianne Medina, habang pinauulanan ito ng puso.

 

 

"OMG!!!! The sweetest ???? Thank you so much Ms. Clau for sharing this! ???? We appreciate it. ????," tugon naman dito ng Instagram user na si 
@4rycb.

"O my gush! Kumakain ako tapus napasigaw ako sa kilig habang nag babasa ..super kilig! Babasahin ko yan ng paulit2x para kiligin ng paulit! Pag sulat ni Rico to claudine lng ako kinikilig..thanks for sharing Ms. Claudine! More pa," banggit naman ng IG user na si @ricoandclaudine.

Matatandaang ika-29 ng Marso, 2002 nang matagpuang patay si Rico sa Dos Palmas resort in Palawan habang nagbabakasyon kasama ang mga kaibigan noong Mahal na Araw. Sinasabing "cardiac arrest following a rupture of the pancreas" ang dahilan ng pagkamatay.

Ilang linggo na silang hiwalay nina Claudine noong panahon na 'yon ngunit labis pa rin siyang naapektuhan ng nasabing pagkamatay.

Bagama't nagpakasal sila ng aktor na si Raymar Santiago noong 2006, naghiwalay din sila matapos ang ilang taon.

Show comments