^

PSN Showbiz

Tali, walang stage fright!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tali, walang stage fright!
Talitha.

Sigurado ako na ang pinaka-excited sa pagpasok ni Talitha sa recording ay ang tatay niyang si Vic Sotto. Kasi nga tutok na tutok sila ni Pauleen Luna sa pag-aalaga kay Talitha kaya lumaki itong very confident at talented.

Imagine mo na sa loob ng isang araw, kaya nito na mag-memorize ng kanta na narinig at nagustuhan niya.

Kaya nga hindi na nakakabigla na magkaroon ito ng recording. Saka napapanood mo ba sa Eat Bulaga ito tuwing sumasali sa mga eksena nila Vic at nakakatuwa na ang acting coach niya si Pauleen, hah hah.

Hindi mo maitatago talaga na anak ng taga-showbiz si Talitha dahil sa galing nito sa harap ng kamera. Never itong naging camera shy or nagkaroon ng stage fright. Talagang grandstander ito at hilig na umarte sa harap ng kamera.

Bongga si Talitha. Batang-bata na recording artist at TV star, at tiyak na super alalay niya si lola mommy Chat na talagang nakabantay sa kanya all day. The next superstar, Talitha. 

Enchong, malaking pera ang masasayang

Mukhang ‘yung cyber libel case ni Enchong Dee ang magiging benchmark ngayon ng mga mahilig sa social media. Lahat naghihintay sa magiging resulta nito, kung mag-prosper at sino ang mananalo.

Anumang mangyari rito makikita rin ang malaking pagbabago sa social media, titingnan nito kung ganun pa rin katapang ang bashers ‘pag nakita nila na may seryoso na haharapin sila at lalabanan.

It is just really a matter of kung hanggang saan pasensiya mo sa mga tao na makitid ang comprehension, ang tapang gumamit ng pangit na salita at hindi muna intindihin ang kanilang binabasa. Test of patience, pero ‘pag sumabog, lagot. ‘Yung damage na P1B hindi biro, kahit pa nga mas mababa pa rito, ‘yung masasayang ang pera mo dahil lang sa biglaan mong pagbibigay opinyon, o pag-akusa, o kahit pa nga pangingialam lang sa hindi mo naman issue, hayan na, may katapusan na.

Ang galing ng ginawang ito ni Congresswoman dahil hindi lang sarili niya ang binigyan niya ng proteksiyon, lahat nang gusto sumali at makisali sa issues. Watch natin, hintayin natin ang resulta. Worth watching for.

vuukle comment

TALITHA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with