‘Di naman pala true na may something kina Tonyboy Cojuangco and Atong Ang.
Makikita nga sa IG story ni Gretchen Barretto kahapon na nagbo-bonding sina Mr. Cojuangco (na Dada ang tawag ng controversial ex-actress turned businesswoman) at Mr. Ang as in super tsikahan at nakikipaglaro pa sa aso.
Na ayon sa isang malapit kay Ms. Greta, magkakasama raw ang tatlo sa Lipa, Batangas since the other day.
In fact, ‘pag may talpakan nga raw sa Lipa o Manila Arena (Sta. Ana Manila), may time diumano na dumadalo pa si Mr. Cojuangco at pinupuntahan sina Greta at Mr. Ang.
At minsan naman daw, diretso sila sa kanya-kanyang bahay nila sa Tagaytay Highlands kung saan nagdya-jogging pa raw si Gretchen.
Kung sabagay, legit business partners sina Mr. Ang at Gretchen na tuloy ang ‘love is essential’ project.
Maaalalang bumoto ang mga kongresista ng 161-2 para aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10199 na nagbibigay ng 25-taong prangkisa sa Lucky 8 Star Quest ni Mr. Ang.
Election 2022, nag-umpisa na ang ‘gulo’
Parang ang chaotic ng magiging election next year. Hahaha. Ang gulu-gulo ngayon pa lang. Nakakaapekto ng mental health. Lalo na kung tambay ka sa social media.
Kaya mas maiging chill lang sa mga kandidato at pumili ng tamang iboboto sa 2022 na tutulong na ibangon ang ating bayan.