Paolo, binabantayan ng nanay

Paolo
STAR/ File

Sabik na sabik na akong mapanood si Paolo Contis sa bagong Kapuso teleserye na I Left My Heart in Sorsogon. Ibang Paolo Contis kasi ang performance niya rito, at kahit siya mismo talagang ipinagmamalaki ang maganda niyang role.

Mas bagay pa kay Paolo na medyo pumayat siya at meron na namang buhok, kesa sa kalbo siya at medyo chubby.

Siguro nga ay mas inspired siya ngayon kaya physically fit siya. Inspired in the sense na nagagandahan siya sa roles na ibinibigay sa kanya ng GMA 7, plus ang patuloy na ang tagumpay ng Bubble Gang. Talagang focus na siya sa trabaho niya at hindi na muna iniisip pa ang mga personal na problema ng buhay.

Siguro nga, malaking bagay na nandito ngayon ang mommy ni Paolo at nakabantay sa anak.

Wala talagang tatalo sa guiding hands ng isang ina. So far, everything is going well for Paolo. Judge him as an actor, huwag na nating isali pa ang mga bagay na hindi relevant para sa progress ng isang tao.

Enchong, nanganganib mapunta ang mga kinita sa danyos

May nagtanong, Salve, kung ano ang masasabi ko sa P1B na cyber libel case na reklamo ng isang congresswoman partylist kay Enchong Dee. Iyan naman talaga ang risk ng nagbibigay opinyon, nagsusulat o nagkokomento. Diyan ka naman talaga matatakot dahil nga sa abala at oras na ibibigay mo sa husgado, kasali pa ang gastos mo sa abogado. ‘Pag nangyari sa iyo, siyempre malaking abala, pero dahil ginawa mo, harapin mo nang taas noo at panindigan mo. ‘Yung paniniwala mo, so be it.

Madalas naayos ang lahat kung makukuha sa paliwanag. Merong sobra sigurong nasaktan ang pride kaya ayaw paareglo. Meron namang hindi mo kasi talaga kilala kaya gusto kang bigyan ng aral. Pero kadalasan ‘pag magkakilala kayo, may common friend na talagang aayos ng lahat. Siyempre sa panig ng congresswoman, pati career niya as a politician, nalagay sa gitna.

Siguro by now, alam na rin ni Enchong  na ang hirap magbitaw ng opinyon na makasasakit sa kabila o sa iba. Laki ng danyos ha, P1B grabe tapos mapupunta lang sa damage na hiningi? Sayang ‘di bah? Kalokah!

Show comments