Menor de edad na anak, ililigtas ng ama sa sindikato

Gabby.

Ngayong Sabado, Nov. 13, sa Magpakailanman, matutunghayan ang kuwento ng isang naiibang action drama tungkol sa totoong kwento ni Raul, isang ama na susuungin ang kamatayan para iligtas ang kanyang teenager na anak na si Grace na walang awang dinukot at ibinenta ang puri ng isang malaking sindikato.

Paano kaya maililigtas ng isang ama ang kanyang kaisa-isang anak na menor de edad na babae na dinukot ng isang malaking sex and human trafficking syndicate?

Sa natatanging pagganap nina Gabby Concepcion at Inah de Belen, tunghayan ang kuwento ng isang ama na handang itaya ang buhay para sa kanyang kaisa-isang anak.

Makakasama rin sa nasabing episode sina Valerie Concepcion, Chinggay Riego, Tom Olivar, Analyn Barro, Raul Russo, Jon Anchaval at Kiko Matos na pinamagatang Ibalik Mo Sa Akin Ang Anak Ko, sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, ayon sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Stanley Pabilona.

Mapapanood ito ngayong Sabado, Nov. 13, sa Magpakailanman. Available na rin simula ngayong Sabado sa Spotify at Apple Music.

Show comments