Magaling na staff ng Startalk, pumanaw na!
Sad para sa mga dating staff ng Startalk na si Oswald Go, na sumakabilang buhay.
For the last 20 years na kasama namin si Oswald, isa siya sa naging paborito kong staff.
Madalas ko nga siyang isama sa mga biyahe sa abroad dahil napaka-trustworthy niya, walang complain na tao, team player at madaling makisama.
At isang ugali niya na nagustuhan ko, iyon pag kumakain ang grupo at may natirang pagkain, talagang uubusin niya dahil sayang daw ang food.
Naalala ko na nasa Portugal kami nang magkayayaan sumakay ng train at libutin ang Europe pero kulang ang pera niya kaya naiwan siya sa Portugal at dun kami hinintay. Pagbalik namin, apat na rolyo ng films ang naubos niya sa pictorial sa sarili na pati sa sementeryo ng mga bayani naka-pictorial siya kaya tawang-tawa kami sa dami ng souvenirs niya.
That’s how you will remember Oswald Go, jolly and competent.
Kung minsan mapapaisip ka, paanong namamatay ang isang tao na punung-puno ng buhay, masayahin, kontento sa lahat ng bagay dahil hindi palahanap. I wonder how an energetic happy person like Oswald can just die.
Ka text ko pa siya, sabi niya kayang-kaya niya, kakayanin niya ang pinagdaraanan.
Tapos biglang wala na. Life is so fleeting, parang nagdaan lang at bigla nawala.
Bakit ganun? Pero sure ako, God is taking good care of Oswald, tiyak siya na assistant ni St. Peter dahil mahusay siyang mag-ayos ng records at mag-research. Sabi nga nila, pag hindi nagawa ni Oswald hindi na magagawa ng iba.
For sure siya na ang record keeper ni St. Peter ngayon, sandali lang training period niya dahil magaling nga siya.
Kaya enjoy ka na diyan Oswald at kaya nauna kang kinuha dahil nga need ni St. Peter ng assistant, eh ikaw ang pinaka-mahusay.
We will always remember you and pray for us na mga naiwan mo. Bless your soul.
- Latest