Mapapanood na simula ngayong Lunes ang ikalawang season ng Marry Me Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Masayang-masaya ang aktor dahil sa pagtangkilik ng mga tagahanga sa kanilang tambalan ni Janine. “I didn’t expect it like the KathNiels (tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) or the LizQuens (tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil). Parang I was expecting something for the show or what they watched. I didn’t expect na ganito kagrabe ‘yung sumusuporta sa love team. I’m thankful because it goes to show that the chemistry worked and the show is working,” paglalahad ni Paulo.
Patuloy pa ring ipinatutupad ang lock-in taping ngayon kaya mas lalo umanong napalapit ang aktor sa dalaga. “Dito kasi dahil may oras in between, may mga rest day kami, nakakapag-usap kami, nakakapagkwentuhan kami, nakakakain kami sabay-sabay. Parang mas nakikilala mo din hindi lang si Janine kundi pati ‘yung personality ng buong cast and masaya. Janine just keeps getting better and better. She adapts sa kung anong role ibigay sa kanya and I’m proud of her,” pagbabahagi ng aktor.
Ate Vi, may payo sa mga artistang kakandidato sa eleksyon
Kamakailan ay kinumpirma ni Vilma Santos-Recto na hindi na siya magtutuloy sa mundo ng pulitika sa susunod na taon. Isa sa mga kadahilanan ng actress-politician ay ang pagkakaroon ng pandemya. “Sabi ng Comelec, bawal makipagkamay, bawal humalik, bawal yumakap, walang physical contact. Sabi ko, ‘Paano ‘yon?’ Modesty aside, the Vilma Santos is still beside me. ‘Yung artista nandito pa rin. I was just imagining, sabi kasi nila hindi pwedeng social media. You really have to go around the country. So ‘pag pumunta ako sa ibang lugar, modesty aside, merong lalapit sa ‘kin na matatanda o bata lalo na matanda. Oh my god, humahalik ‘yan. Kahit naman hindi ako tumakbo, tuloy ang trabaho at serbisyo. Parang payback time with all of my blessings,” emosyonal na pahayag ni Vilma.
Aminado ang Star for All Seasons na malaki ang kanyang pangamba na magkaroon ng covid-19 o makahawa pa sa ibang tao. Hanggang maaari ay hindi umano lumalabas ng bahay si Ate Vi dahil sa banta ng covid. “Mahirap ito for me, plus the covid. You’ll be nervous. Tutusukin lagi ilong mo for antigen, baka ako ang makapagbigay ng sakit sa kanila, o sila ang makapagbigay sa akin. Huwag na muna, I don’t think this is the right time,” giit niya.
Bilang mahigit dalawang dekada nang nanunungkulan sa gobyerno ay nagbigay naman ng payo si Ate Vi para sa lahat ng mga artistang kumakandidato ngayon. “It’s not going to be easy. It’s really a sacrifice if you really want to serve. Sa lahat po ng colleagues ko na nag-file ngayon and interested na pumasok sa politics, good luck to you. Sabi ko nga, kung kayo ay mananalo i-prepare n’yo po ‘yung sarili n’yo to serve and to learn from the heart. Kapag nangyari ‘yon talagang fulfilled na kayo. You will feel the fulfillment of a public servant,” pagtatapos ng aktres.
(Reports from JCC)