Busy kahapon ang showbiz dahil kina Sharon Cuneta and John Lloyd Cruz.
Opisyal na ang pinakahihintay na paglabas ni Megastar sa isang Kapamilya teleserye dahil malapit na siyang mapanood gabi-gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang longest-running action-drama series sa bansa na nagdiwang kamakailan ng ikaanim na anibersaryo.
Bilang pormal na pagsalubong kay Mega sa serye, nagkaroon siya ng red carpet welcome sa ABS-CBN kahapon kasama ang ABS-CBN COO of broadcast na si Cory Vidanes, TV production head na si Laurenti Dyogi, Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal, at ang FPJAP star, director, at creative director na si Coco Martin.
Sinundan ito ng pagdalo ni Mega sa isang story conference kasama sina Coco at iba pang mga direktor ng serye na sina Albert Langitan, Kevin de Vela, John Prats, at Malu Sevilla para pag-usapan ang magiging papel niya.
Ang pagpasok ni Mega sa FPJ’s Ang Probinsyano ang isa sa mga pinakapinag-usapan na balita ng Kapamilya fans. Ito rin ang isa sa mga pinakamalaking sorpresa ng anniversary celebration ng FPJAP.
Ano ang magiging papel ni Megastar sa serye? Siya ba ang bagong karakter na tutulong kay Cardo (Coco), o ang bagong kalabang gabi-gabing panggigigilan ng mga manonood?
Samantala, sa isang five star hotel naman ginanap ang pag-welcome kay John Lloyd ng mga executive ng GMA. “Maraming salamat sa pagbibigay ng tahanan sa aming munting pamilya at programa. Napakalaking bagay ‘ho na nakahanap kami ng tahanan sa GMA. Sa lahat ng mga nagpaabot ng pagbati… sana talaga lahat tayo ay mabigyan ng pagkakataon na magkatrabaho. Kung may time kayo sana madalaw ninyo kami sa aming programa. Iwe-welcome namin kayo sa aming munting pamilya,” said John Lloyd.
Happy Together na ididirek ni Edgar Mortiz ang unang sitcom ni John Lloyd na diumano’y walang regular na leading lady.
Though wala pang kinukumpirma ang GMA sa ibang mga gagawing proyekto ng aktor sa Kapuso network at kung magtatambal sila ni Bea Alonzo na si Alden Richards ang sinasabing leading man sa unang project ng aktres sa GMA.
Present during the contract signing ni John Lloyd ang halos lahat ng executive ng GMA na pinangunahan ni GMA Network Films Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President for GMA Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable and First Vice President for Program Management Jose Mari Abacan.
“I’m delighted that John Lloyd will be working with us and not just as the lead actor of his show, but also as part of the creative team. We are excited to see more of what he can bring to the table off-cam. These are indeed exciting times for us,” pahayag ni Atty. Annette.