^

PSN Showbiz

John Lloyd, ipapakilala na ng GMA!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, ipapakilala na ng GMA!
John Lloyd
STAR/ File

Kaagad nahulaang si John Lloyd Cruz ang tinutukoy sa inilabas na teaser ng GMA 7 na ‘He’s Happy to be Back!’

Sa darating na Martes, Nov. 9, ang contract-signing at grand welcome sa kanya ng Kapuso network.

Hindi pa nakumpirma kung ano talaga ang gagawin niya sa GMA 7, pero ang unang napabalita ay sitcom muna ang commitment niya na kung saan halos mga galing din sa ABS-CBN 2 ang nasa production na pangungunahan ni direk Bobot Mortiz.

SInabing babalik siya dahil lumabas naman noon si Lloydie sa isang programa ng GMA 7 bago siya naging Kapamilya artist ng ABS-CBN 2.

Ang huling exposure naman niya sa TV ay ang guesting niya sa Wowowin ni Wilie Revillame nung nakaraang June.

Hindi lang sure kung maihahabol ba si John Lloyd sa Christmas station ID ng GMA 7, para back to back sila ni Bea Alonzo.

Narinig din nga naming pinaghahandaan na rin daw ngayon ng All-Out Sundays ang grand welcome sa kanya, na sana kasali rin si Alden Richards sa pag-welcome sa kanya.

Magiging bahagi ito ng #AOSSuperNovember special ng All-Out Sundays.

MMFF entries, sikreto muna!

Hindi inilalabas ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival ang 19 na pelikulang isinumite para sa MMFF 2021.

Bilang proteksyon na rin daw ito sa producers para kung sakaling hindi nga naman mapili ang kanilang entry, puwede nila itong hanapan ng ibang playdate.

Kagaya ng musical film na Yorme na tumatalakay sa kuwento ng buhay ng presidential aspi­rant Mayor Isko Moreno, may playdate na ito sa Dec. 1, para kung hindi nga naman ito mapili, maipalabas agad bago ang MMFF dahil kailangang ihabol ito bago magsimula ang campaign period.

Bukod sa Yorme: The Musical, isinumite rin ang isa ang musical film na Katips na pinagbidahan ni Jerome Ponce at dinirek ni direk Vince Tanada.

Ewan ko lang kung pipili ang Selection Committee ng isang musical film na hindi naman talaga umeepek sa moviegoers.

Tatlong gay themed movies naman ang isinumite sa MMFF. Ang Big Night ni Christian Bables na dinirek ni direk Jun Lana, ang entry ng Heaven’s Best Entertainment na Ang Huling Birheng Bakla sa Balat-Lupa ni direk Joel Lamangan na pinagbidahan naman nina Teejay Marquez at Edgar Allan Guzman, at ang Mudrasta ni Roderick Paulate ng T-Rex Productions na dinirek naman ni Julius Alfonso.

Ewan ko kung isa lang sa tatlong ito ang pipiliin o maipapasok o ligwak lahat.

Ang sabi kasi ng mga taga-MMFF, malaking consideration ang commercial viability. Bukod sa quality at may global appeal, kailangan talaga ngayon ang mga pelikulang tampok ang mga ban­kable stars para makabawi-bawi naman ang movie industry pagkatapos ng halos dalawang taong pagsasara ng mga sinehan.

Ang ilan pa sa ipinasang pelikula ay ang Kun Maupay Man It Panahon nina Daniel Padilla at Charo Santos, ang horror trilogy na Huwag Kang Lalabas nina Kim Chiu, Beauty Gonzalez ng Obra Cinema Productions na dinirek ni Adolf Alix.

Sa Nov. 12 na raw ang announcement ng walong entries na ipapasok sa MMFF.

Tinitingnan pa nila kung kakayaning mag-face to face ang announcement para deretso na sa presscon, dahil nasa alert level 2 na sa NCR.

Hindi raw natuloy si Cong. Vilma Santos sa Selection Committee, pero isang iginagalang na veteran actress na malaki rin ang naiambag sa movie industry ang umupong head ng naturang committee.

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with