Herbert hindi na pina-follow si Kris, itinangging may alam sa pagpapakasal ng ‘ex’
Paiwas ang sagot ni senatoriable Herbert Bautista sa engagement ni Kris Aquino kay Mel Senen Sarmiento. Pero sinabi niyang masaya siyang ikakasal na si Kris na alam naman sa showbiz ang naging ‘relasyon’ nila.
“Hindi ko alam na ikakasal siya. Hindi kasi ako nagmo-monitor ng ano niya... (social media),” banggit ng senatoriable na nakangiti at nag-dialogue na ‘mahina ang signal’ na parang nasa zoom lang at hindi magkarinigan.
Nababasa lang daw niya pag nagpa-pop up sa social media accounts niya.
Pero sinabi naman niya na happy siya for Kris. “Sabi ko naman masaya ako, yung peace and quiet … ‘yun ‘yung hinahanap niya eh. Ok naman. I think she’s happy,” banggit pa ni Bistek na kumakandidato nga ngayong senador sa partido nina Senators Ping Lacson and Tito Sotto.
Maalalang last June ay nag-post si Kris ng ‘break-up’ nila pero walang banggit na pangalan : “after 7 years, we did become the best of friends & i know even that part is now over.”
Anyway, nang tanungin naman siya kung happy siya, “yes happy naman ako.”
Sa dati ba itong beauty queen, na ang nire-refer ay si Ruffa Gutierrez, na nali-link nga sa kanya dahil nakikita nga raw ang dating actor sa mga special occassion ng family ni Ruffa, pero hindi na siya sumagot, tawa lang siya nang tawa.
Samantala, umaapela si Bistek na sana ay Tagalog movies muna ang ipalabas sa reopening ng mga sinehan with 30% capacity next week lalo na nga at maraming nakaimbak na pelikula ang mga producer natin. “It’s unfortunate na inuna nila ‘yung foreign films. Sana naman, inuna nila ‘yung mga pelikulang Pilipino para naman mabuhay natin ang local film industry.
“Remember industry nga ang tawag. Meaning may propsman, make-up artists, catering etc. So that, mabuhayan naman ng loob ang industry leaders,” sabi pa niya sa lunch tsikahan with the entertainment press kahapon, small group lang.
“I hope the government considers that. It’s not all about profit for theater owners or even taxes pagdating sa amusement tax but it’s also about recovering from the loss of the movie industry. So pag nakita ng mga industry player, mga producer yan, mabubuhayahan sila ng loob, gagawa pa sila ng pelikula,” dagdag niya pa.
Binanggit din ni Bistek na sana naman daw ay bawasan ng mga theater owner ang 50% na singil nila sa mga local producer sa gross income ng mga pelikulang ipinalalabas nila. “Para makapag-recover ang ating mga movie producers, yung theater should not get 50% of the earnings. Maybe they can get 20%? Until we are able to recover. Baka naman puwedeng pakiusapan.
“Because the 30% na mapupunta’t babalik sa producer is a very big amount para ma-recover niya ang loss niya, at the same time, para makapag-produce pa siya ng marami. At pag nakapag-produce siya ng marami, magiging active ulit ang industriya natin.
“I think, that’s one help that the theater owners can support the film industry,” pahayag pa ni Bistek.
Hiling din niya na sana ay magkaroon ng policy na pag-local films mas mababa ang charge nila kesa sa foreign films. “Dapat pag local films, hindi ganun kalaki ang charge sa ulitilies nila kasi na-recover na nila ‘yung investment nila sa pagpapatayo nila ng movie theaters na ‘yun.”
Sana rin daw dahil 30% lang ang capacity sa reopening nito, baka puwede ring i-extend ang mga showing ng mga local film para mas marami pang makapanood.
- Latest