Sylvia, magpapahinga muna sa pag-arte

Sylvia.

Sa Biyernes ay magwawakas na ang Huwag Kang Mangamba kung saan kabilang si Sylvia Sanchez.

Sa loob ng pitong buwan ay naging epektibo ang pagganap ng beteranang aktres bilang si Barang. “Aaminin ko nahirapan ako dito. Tiring and draining talaga si Barang. Hindi siya thinking character eh, instinctive si Barang. Kumu-connect siya automatically sa lahat ng tao. So medyo napagod ako pero sobra-sobra akong nagpapasalamat sa role na ito,” paglalahad ni Sylvia.

Halos taun-taon ay mayroong ginagawang proyekto ang aktres. Ngayon ay gusto raw munang magpahinga ni Sylvia kapag nagwakas na ang naturang serye. “After nito sinasabi ko nga, pahinga muna ako. Kasi sa sobrang pagod ko, sa sobrang na-drain talaga ako emotionally and physically kay Barang. Sa susunod na teleseryeng io-offer sa akin, feeling ko wala na akong maibibigay pa na bago kasi drained ako dito kay Barang. Napagod ako nang sobra. Gusto ko magpahinga kahit six months to one year para ‘pag sa susunod na may mai-offer sa akin, may bago naman akong maipakita kasi nakapag-relax na ako. Maglagi na muna ako sa probinsya, rest muna para pagbalik ko, may bago kayong makita at hindi talo ‘yung producer na mag-aalok sa akin ng bagong role,” pagdedetalye ng aktres.

Kaila, inaming nailang kina Jake at Maxene

Nasa pangangalaga na ngayon ng Star Magic ang anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Kaila. Masayang-masaya ang baguhang aktres dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napasama sa isang teleserye. Mapapanood si Kaila sa Viral Scandal na pagbibidahan ni Charlie Dizon simula sa Nov. 15. “I was truly over the moon. I really prayed that I would get this role after my audition,” bungad ni Kaila.

Anak nina Jake Cuenca at Maxene Magalona ang karakter ng aktres sa bagong proyekto. Aminado si Kaila na talagang nakaram­dam siya ng pagkailang noong unang nakaeksena ang dalawa. “I was definitely intimidated by them at first. I grew up seeing them on TV and I know how good they are at their craft but they were so warm and welcoming and so was the whole cast and production. They helped me a lot throughout taping,” pagtatapat ng dalaga.

Ngayon lamang din nakaranas si Kaila ng lock-in taping kaya naman talagang hinanap-hanap ang kanyang pamilya habang nasa trabaho. Umaasa si Kaila na makikilala rin sa larangan ng pag-arte katulad ng kanyang mga magulang. “The best part is the fulfillment I feel when I’m able to do scene well and the hardest part is being away from my family because I miss them a lot. I know my parents are great at what they do and I’m proud of that. One day, I hope to be as good as they are,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Show comments