Kaloka si Christian Albert Gaza, na familiar ang name sa social media personality at kilalang Pinoy fan na mahilig mag-alok ng date sa mga artista sa pamamagitan ng billboard.
Si Erich Gonzales ang kauna-unahan niyang inalok ng date sa ‘billboard’ pero hindi pumasa sa Kapamilya actress. Na sinundan ng iba pa.
Pero ito, sosyal, sa South Korea siya nagpa-billboard, malapit sa mismong office ng management group ng Blackpink, ang YG Entertianment, para kay Jennie.
At ang nakalagay sa billboard :
“Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. Can I take you out to dinner” and make me the happiest man alive?”
At nilagay niya ang location nito sa ibabaw ng malaking building sa South Korea : “Billboard Location: 62, Noksapyeong-daero 11-gil, Yongsan-gu, Seoul, Republic of Korea. “ don’t know how to contact her kaya pina-billboard ko na lang sa puso ng South Korea, few kilometers away from BLACKPINK’s YG headquarters. I hope she will say YES. “#JennieChristianDinnerDate,” caption niya sa photo nito na ebidensiya sa kanyang ginawa.
Iba-iba ang reactions pero ang bottomline, massive ang comment at nag-share.
At ang sabi sa kanya, puwede siyang kasuhan sa kanyang ginawa dahil panggagamit ito sa isang sikat na tulad ni Jennie na idolo ng marami sa buong mundo.
Pero sinagot ito ng social media personality na nakasuhan ng estafa : “Sa lahat ng Pinoy haters ko sa South Korea na nagpapakalat ng fake news na maaari daw akong makasuhan at ma-blacklist nang dahil sa billboard proposal ko for Jennie, let me tell you this... listen carefully. Lahat ng advertisements sa mga pampublikong lugar ng Seoul ay kailangan ng permit mula sa kanilang local government.
“Two weeks ago, nag-submit kami ng application at sila’y sobrang na-shookt because this billboard of mine daw ay very first of its kind in Korean history! Ang kauna-unahang billboard date proposal sa kanilang bansa ay gawa ng isang foreigner... ang lahi ay Pilipino. Pinoy pride!
“Wala daw akong nilabag na batas dahil hindi ko inilagay sa layout ang imahe ni Jennie. Boom approved! Permit released!”
Shocking pero bongga siya na sabi sa isang article na ishinare niya ay P500 million ang net worth niya at ayon sa kanyang Facebook profile ay CEO ito ng Philippine Pacific Group.
Ok fine...