Na-sad na naman ako kahapon. Naalala ko si Ricky Lo na lagi ay tumatawag ‘pag ganitong mga pagkakataon para sabihin nag-light siya ng candles at nagpa-mass para sa mga namatay kong parents.
Naabutan pa kasi ni Ricky noon na buhay pa both my father and mother, at gaya ko rin na nang lumipat sa Fairview kasama ni Ricky ang mother niya at lagi siyang nagtatanong kung ano ang ginagawa para hindi malungkot sa bagong environment ang kanyang ina.
That time kasi, wala pang telephone line at wala pang mga poste ng ilaw sa kalye kaya mukhang probinsiya na ang dilim-dilim ng streets sa Fairview.
Ang layo rin ng simbahan na mahirap lakarin ng matatanda. Ang layo ng palengke, wala pang supermarket. Talagang barriotic kaya alalang-alala kami ni Ricky sa mga nanay namin.
Bale ngayon ang first time na wala na si Ricky Lo sa ganitong okasyon.
Na-miss ko siyang bigla dahil nga usually siya ang unang caller ko sa ganitong araw, All Saints’ Day.
You feel empty ‘pag naalala mo na parang konti na lang ang precious friends mo dahil nga nawawala at nauuna na sila. But you feel comfort na baka saan man sila ngayon, tiyak na binabantayan ka pa rin nila.
Let us pray for their souls, sabihin din natin sa kanila to look after us na naiwan dito sa lupa.
We miss you, we will not forget you, we will always remember.
Chaye, ‘di nagpapaawat
Meron na naman palang charity work ang favorite Revilla ko na si Chaye Cabal. ‘Yung mWell PH na ka-team up ang PhilCare para sa matipid at mabilis na gamutan.
Talagang hindi maawat ang mabait at very hardworking na Chaye Cabal-Revilla sa kanyang concern sa tao, kahit pa nga puno siya ng trabaho bilang chairperson ng isang telecom company.
Talagang panay ang bigay at gawa niya ng mga idea para mas makabigay ng malawak na tulong. Sa panahon ngayon, talagang medical help ang kailangan mo lalo pa nga at makita mo kung gaano kamahal ang gamutan sa COVID. Kaya naman talagang hahangaan mo si Chaye sa kanyang mga advocacy, at sa kanyang pagtulong.
Remember, mWell PH app, team up ng PhilCare, tawagan n’yo for free consultation, at tulong sa anumang problema sa health.