One direction member Zayn Malik, itinangging sinaktan ang nanay ni Gigi
Nag-deny ang former One Direction member na si Zayn Malik sa pananakit kay Yolanda Hadid, ang ina ng ngayo’y ex-girlfriend niya na si Gigi Hadid kung kanino meron siyang anak na babae.
May isang buwan na raw na hiwalay sina Zayn at Gigi. At itong incident involving the 57-year old star of The Real Housewives of Beverly Hills ay kelan lang nangyari at nag-file ito ng kasong physical assault laban kay Malik.
“I adamantly deny striking Yolanda Hadid and for the sake of my daughter I decline to give any further details and I hope that Yolanda will reconsider her false allegations and move towards healing these family issues in private,” pagtatanggol ni Malik.
Nag-enter ng “no contest” plea si Malik sa four charges of harassment kay Yolanda Hadid.
Sinentensyahan si Malik ng Pennsylvania court to 360 days of probation, and to complete anger management and domestic violence programs.
On and off ang naging relasyon nina Zayn at Gigi since 2015. Nagkabalikan sila noong 2019 at isinilang ni Gigi ang daughter nilang si Khai noong September 2020.
Dating kontesera ng bayan na si Jennie, certified komedyante na rin
Since 2006 pa sumasali ang The Clash Season 3 runner-up na si Jennie Gabriel sa maraming singing contest, mapa-TV man o sa mga amateur singing contests sa kung saang lugar. Kaya isang certified na kontesera si Jennie.
Humigit kumulang na 100 singing contests na raw ang nasalihan ni Jennie at hindi raw lahat ng salihan niya ay nananalo siya. Sa TV, ang mga nasalihan ay Pinoy Pop Superstar at Tawag Ng Tanghalan. Pero sa The Clash Season 3 siya nakilala dahil sa pagiging wildcard contestant niya.
Ngayon ay nahihilera na si Jennie sa pagiging isang komedyante. Mabentang-mabenta ang panggagaya niya sa boses ni Angel Locsin at sa iba pang singers tulad nina Lani Misalucha, Jaya, Vina Morales at Jessa Zaragoza.
“Parang at home po ako sa pagpapatawa. Kaya siguro nagkaroon ako ng sunud-sunod na trabago dahil bukod sa pagkanta, nahahaluan ko ng comedy tulad ng ginawa ko po sa The Boobay and Tekla Show, Wowowin at Dear Uge. Love ko po ang singing, pero love ko rin po ang magpatawa,” sey ni Jennie.
Kaya naman binigyan siya ng markadong comic role sa upcoming GMA Primetime Teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kung saan siya ang comic relief sa naturang serye.
“Kinabahan po ako kasi baka malaki ang expectations nila sa akin. Pero si Direk Mark (dela Cruz) na ang nagpu-push sa akin na ilabas ko ang pagiging komedyante ko. Kailangan nagsa-shine ako sa mga eksena. Kaya po ginawa ko ang lahat ng makakaya. Kahit nga po si Paolo (Contis) napapatawa ko, eh ang hirap siyang patawanin. Ibig sabihin, effective pala ang mga pinaggagawa ko!,” tawa pa ni Jennie.
- Latest