Kinumpirma na nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na magkaka-baby at ikakasal na sila.
Kagabi nga sa 24 Oras at sa social media platforms ni Jennylyn ay inamin na nila na nagdadalangtao ang actress na ilang linggo ring nanahimik matapos magkaroon ng spotting sa taping ng ginagawa nilang teleserye ni Xian Lim na Love.Die.Repeat.
Masilan daw ang pagbubuntis ni Jennylyn na 9 weeks na.
Naging simple naman ang proposal ni Dennis ayon sa actress na naganap sa bahay nila.
More than a month ago nang kumalat ang kuwento ng pagbubuntis ni Jennylyn at kamakailan naman ay lumutang ang chikang plano nilang pagpapakasal.
Local movie, hindi bubulaga sa pagbubukas ng mga sinehan
Sa kabila nang panawagan na gawing priority ang local films sa pagbubukas ng mga sinehan sa November 10, ang No Time To Die starring Daniel Craig, 25th Bond film at final movie bilang James Bond ni Craig, ang bubulaga sa mga manonood after almost two years na pagkakasara ng mga sinehan sa Metro Manila ngayong pandemya pa rin.
Tuluy na tuloy na nga raw ang pagbubukas ng mga sinehan sa November 10 na ngayon ay nililinis pa at ina-adjust ang set up sa new normal.
Wala pa namang final statement kung matutuloy din this year ang Metro Manila Film Festival (MMFF).