^

PSN Showbiz

KaladKaren, mangunguna sa trabahanap virtual career fair

Pilipino Star Ngayon
KaladKaren, mangunguna sa trabahanap virtual career fair
KaladKaren.

MANILA, Philippines —May panibagong pagkakataon ang mga naghahanap ng trabaho bago matapos ang taon sa gaganaping virtual career fair ng TrabaHanap ngayong Sabado (Oktubre 30) kasama si KaladKaren.

Magsisimula ang TrabaHanap Virtual Career Fair ng 4 pm sa TrabaHanap Facebook page (@TrabaHanapOfficial), kung saan napapanood ang online job-hunting show ni KaladKaren na Trabahanap Live.

Para makalahok, kailangan lang gumawa ng account at mag-upload ng resume sa website na www.TrabaHanap.com, kung saan makikita rin ang iba-ibang job opening sa mga kumpanya at mga industriya.

Kamakailan lang, mas lalo pang pinaganda ang TrabaHanap.com dahil sa bagong features nito na makakatulong sa sinumang naghahanap ng papasukang trabaho. Mayroon ditong resume builder, salary calculator, at application status tracker, at iba pang magagamit ng TrabaHunters sa kanilang job-hunting.

Isang proyektong public service ng CineMo ang TrabaHanap na nagsimula noong 2017 bilang classified ads na ipinapakita sa dulo ng mga pelikulang pinalalabas sa channel. Noong 2019, inilunsad ang TrabaHanap website para maging tulay sa pagitan ng mga naghahanap ng trabaho at mga kumpanyang may mga job opening. Nakilahok rin sa mga job fair sa iba-ibang panig ng Pilipinas ang TrabaHanap para sa mga walang access sa internet at nagdaos ng una nitong virtual job fair para sa mga naghahanap ng trabaho ngayong pandemya noong Hunyo 11.

Para sa iba pang impormasyon sa TrabaHanap at TrabaHanap Virtual Career Fair, bumisita sa opisyal na TrabaHanap Facebook page (fb.com/trabahanapofficial) at ang opisyal na event page (https://fb.me/e/1RWQuAxl1) o pumunta sa www.TrabaHanap.com.

 

KALADKAREN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with