^

PSN Showbiz

Gladys, nagtatrabaho kahit nakaburol ang tatay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gladys, nagtatrabaho kahit nakaburol ang tatay
Gladys at Pamilya sa wake ng tatay

Nakaka-text ko si Gladys Reyes kahapon ng umaga habang nasa biyahe siya papunta sa taping ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. “The show must go on, kuya Gorgs,” reply ni Gladys nang malaman ko na magti-taping pa rin pala siya kahit nakaburol pa ang Papa niya na pumanaw lang nung nakaraang Lunes. “Ang hirap na kasing mag-revise sila ng script. Pinakiusap ko na lang na i-release ako kaagad kasi last night na ni Papa mamaya,” dagdag na text ni Gladys.

Inilahad sa akin lahat ng aktres nung na-hospitalize ang kanyang ama dahil sa Pneumonia. Isinugod ito sa isang hospital sa Marikina, dahil nagkaroon ito ng shortness of breath. Naisip din daw nila na baka COVID-19, pero wala raw siyang pakialam na mahawa kung sakali. Salaysay ni Gladys; “October 20 pinasok siya sa hospital, kasi shortness of breath. Tapos October 21, 22 okay siya, ka-videocall namin. Pinsan ko ‘yung nagbabantay sa kanya. Ang sigla ni Papa, ang daldal, hindi na kinakapos ng hininga.

“October 23, tinawagan ako ng doctor nung gabi, humina daw si Papa. Ang baba ng oxygen, 50 na lang. Need niya ma-intubate. Gulat na gulat ako. Akala ko nga lalabas na kasi ang sigla nung kausap lang namin nung October 22, tapos 23 intubate na?

“Tumakbo na ako ng hospital. Wala na ako pakialam kung ma-COVID ako. Awa ng Diyos, negative siya sa COVID.”

Kinabukasan, Linggo ay naka-text ko pa si Gladys na ililipat daw sana nila ang kanyang Papa sa New Era Hospital dahil puno raw ang ICU.

Hihingi raw sana siya ng tulong kay Mayor Andeng Ynares ng Antipolo para sa ambulansya dahil ililipat daw nila ng New Era Hospital. Pero hindi high end ang kanilang ambulansya na puwede sa pasyenteng naka-intubate.

Mabuti at tinulungan siya ng mga ka-Iglesia nila, lalo na’t active members sina Gladys sa Iglesia ni Kristo. Ang ambulansya na raw ng New Era ang kumuha sa kanyang ama at inilipat na ito ng naturang hospital. “Nasa ICU siya ng New Era, naka-intubate siya. Okay naman ang mga vital signs niya. Bago siya ko iniwan dun ng 11pm, sabi ko uwi lang ako. Ayusin ko ang iba pa niyang gamit. Kasama ko si Janice (sister niya). Tapos, 7am ng October 25 na-coma na raw.

“Tinawagan ako ng hospital, hindi na raw nagri-respond. Nag-drop na ang blood pressure niya, 20 over 20. Ang oxygen nya 16 na lang. Ang heart rate niya 30, kahit naka-intubate pa siya. Sabi ng doktor, pumunta na kami.

“Pinagsabihan ko na Mama ko, si Christopher, si Janice.

“Naabutan na namin buong family, may heartbeat pa siya pero coma. Kinausap namin siya. Nag-iiyakan na kami. Naririnig niya siguro nandun kami lahat, tumaas ang heart rate niya from 30 to 85. Parang lumalaban pa. Tapos, binulungan na namin, ‘Okay na Pa, pagod ka na. Kami na bahala kay Mama at PJ (brother niya na special child). Ang pinakawinu-worry niya kasi si PJ kasi special child siya, autistic. Sabi ko kami na bahala sa kanila. Magkikita tayo uli sa Bayang banal. Tapos, pinag-pray na kami ng minister namin, si Ka Dindo.

“Pagka-pray, ilang minuto lang, ‘yung ECG niya flat na,” patuloy na salaysay ni Gladys.

Ngayong araw ay ililibing ito sa Garden of Gethsemane sa Antipolo City, at paulit-ulit na nagpapasalamat si Gladys kay Mayor Andeng Ynares na tumulong sa pag-aasikaso sa paglilibingan nito, at pati sa ilan pang kailangan sa libing.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang lahat na tulong ng mga taga-INC na hindi rin bumitaw sa kanya nung nasa hospital ang Papa niya, at hanggang ngayon.

Pagkatapos ng libing ay kailangan daw nilang tutukan ang kanilang Mama na alam niya mas mahihirapan sa kanyang pagdadalamhati.

GLADYS REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with