Uy neighbor pala ni senatoriable Carl Balita si Coco Martin.
At kung tama ang dinig ko, umoo siya nang tanungin ko kung aside from Coco nakikita rin ba niyang nagjo-jogging doon si Julia Montes na diumano’y sa bahay na nga ni Coco nakatira bilang diumano’y meron na silang anak.
Pero nag-uusap lang sila ni Coco at hindi naman daw sila super close dahil nirerespeto nila ang privacy ng isa’t isa.
Anyway, tulad ni Kabayan Noli, nang mag-file siya ng certificate of candidacy, automatic na nawala si Carl sa kanyang radio show.
Naging household name si Carl dahil sa programa niya sa DZMM at televiewers sa Teleradyo nang mawalan ng franchise ang network kung saan siya naging host ng Radyo Negosyo sa halos dalawang dekada.
Bukod pa sa pagiging negosyante kung saan meron siya review center na ‘pag bibiyahe ka sa Maynila ay makikita ang malalaking billboard sa may area ng Morayta, movie producer at kumakanta rin siya.
Yes kilala rin sa siya sa showbiz dahil nakapag-produce siya ng dalawang advocacy film - Nars by Adolf Alix (2007) and Maestra by Lem Lorca (2017) na konekted sa kanyang propesyon.
Yes bukod sa pagiging nurse-midwife, isa rin siyang licensed teacher and holds doctoral degrees in Humanities and in Education kaya ang tawag sa kanya ay ‘doc.’ “I produced these films with my intention to improve the public appreciation of these professions, which most of the time are ignored,” ani Carl sa zoom chikahan kahapon.
He has also produced, with couple Isay Alvarez and Robert Sena, ng inspirational album iDream, which featured Robert Sena, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Luke Mijarez, Raymond Lauchenco, Bituin Escalante, Karylle, Agot Isidro and the late Arthur Manuntag.
At bilang partner ng Spotlight Artists Centre, he has co-produced the restaging of the classical KATY: The Musical.
May mga kumukwestyon sa kanya kung bakit senador agad ang kinandidatuhan niya. Nung umpisa raw ay ayaw niya pero hindi siya nakatanggi kay former actor and Manila Mayor Isko Moreno, who is running for President bukod pa sa nakita ang lahat ng senyales para tanggapin ang alok ni yorme.