Chavit Singson, may investment sa ang Probinsyano?!

Chavit.

Babalik pala sa Vigan, Ilocos ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa susunod nilang lock-in, middle of November.

Yup, pagkatapos daw ng lock-in this week sa Las Casas Filipinas de Acuzar, break muna ang taping nito at babalik middle of November na, pero sa Vigan, Ilocos na uli, ayon sa source. Naayos na raw ang permit nito sa LGU sa Vigan.

More than a month daw uli ang taping nila doon starting middle of November at Dec. 22 na sila babalik ng Manila.

Pero totoo kayang may investment na rin si Mayor Chavit Singson sa Ang Probinsyano kaya sa Vigan na ito madalas nagti-taping?

Well, kung totoo ang narinig kong chika, bukod sa pag-i-invest ni LMP president at Narvacan Mayor Chavit ng 100 million dollars sa South Korea at sa iba’t ibang proyektong ginagawa nito ngayon sa bansa, may share na rin nga ba siya sa AP ni Coco Martin na sa pagpapatuloy ng kuwento ay paliit nang paliit ang mundong ginagalawan ni Cardo (Coco Martin) dahil isang malakihang manhunt ang isinasagawa ng kanyang mga kalaban para tugisin at wakasan ang buhay niya sa Ang Probinsyano, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Mas malakas ang mga kalabang haharapin ni Cardo dahil sa pagsasanib-pwersa nina Renato at Arturo (John Arcilla at Tirso Cruz III), dalawa sa pinakamakapangyarihang opisyales ng gobyerno. 

Speaking of Mayor Chavit nag-withdraw pala ito ng kandidatura bilang vice governor upang ayon sa kanya ay maayos at magkasundo ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Ayon sa isang malapit kay Mayor Chavit, aasikasuhin na lang daw nito ang napakara­ming proyekto ng LCS Group of Companies ngayon kung saan siya ang chairman. At isa umano sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng grupo ni Gov. Chavit ang pagpapatayo ng common towers upang magamit ng tatlong pangunahing telecommunication companies ng bansa katulad ng Globe, Smart at DITO para mas maraming mararating na lugar at mas maayos na signal ng mga telecoms.

Ang common towers umano ay hindi ipinatayo at hindi pag-aari ng mga telecommunication companies. Ito ay pag-aari ng mga independent companies katulad ng LCS Group at magsisilbi itong parang tollway, babayaran ito ng telco companies upang magamit nila ang mga towers. Sa ngayon, may nakatayo nang mahigit 100 common LCS towers mula sa Region 1, 2 and 3 at meron na rin dito sa Metro Manila. 

Layunin diumano nitong makapagpatayo ng 6000 common towers sa loob ng anim na taon sa buong bansa.

Anyway, ayon pa sa source, nasa South Korea na naman muli ang dating governor upang magbigay ng karagdagang investment sa ilang entertainment company doon.

 

 

Show comments