^

PSN Showbiz

Aktor na nakaahon na sa bisyo, tumutulong sa kampanya para hindi tularan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Positibo ang pananaw sa buhay ng isang guwapo na ay mahusay pang umarteng male personality. May mga pagkakataong nagpatalo siya sa kaway ng bisyo pero pagkatapos nu’n ay natuto na siyang lumaban.

Mismong mga doktor na nakadestino sa rehabilitation center ang nagsasabi na hindi dapat hinahanapan nang isandaang porsiyento ng pagbabago ang mga nagiging biktima ng droga at alak.

Mahaba-habang panahon pa muna ang kailangang palipasin bago tuluyang mawala ang giyang (paghahanap ng nakasanayan nang bisyo ng pasyente), mahabang proseso muna ang pagdadaanan hanggang sa mawala na sa kanyang dugo ang bisyo, at mas mabilis palang makabawi ang nagdroga kesa sa nalulong sa alak.

Kuwento ng aming impormante na nakakakilala sa ugali ng male personality, “Milagro naman kasi ang hinahanap sa kanya, puwede ba naman ‘yun? Parang lagnat ‘yun, meron binat, bago siya tuluyang makabawi.

“Ang maganda sa male personality na ‘yun, e, ang positive outlook niya sa buhay. Magiging magaling ba naman siyang artista kung nega ang takbo ng isip niya?

“Professional siya, hindi niya pinaghihintay ang mga katabaho niya. Palagi siyang take one lang sa mga eksena niya, saka hindi siya nagiging cause of delay.

“Di ba, ang mga gumagamit pa rin, e, walang disiplina? Sabog ang utak, kung anu-ano ang pinaggagagawa, wala sa trabaho ang concentration? E, ang male personality na ito, napakahusay niyang katrabaho!” unang papuri ng aming source sa magaling umarteng male personality.

Kinokompronta niya ang mga pagsubok, tinatanggap ng male personality ang kanyang nagawang pagkakamali, malaki ang naitulong nu’n sa pagbabagong-buhay niya.

Kuwento uli ng aming source, “Tumatanggap siya ng speaking engagement. Walang bayad ‘yun. Nagsasalita siya sa church, sa gathering ng mga LGU, ikinukuwento niya ang pinagdaanan niya para hindi na pamarisan ng mga kabataan sa audience.

“Bini-busy niya ang isip niya sa mga bagay-bagay na may magandang maiambag sa buhay niya. Ganu’n siya ka-positive. Kung kinakaya niyang gawin ‘yun, e, bakit hindi rin magawa ng mga na-hook sa bisyo na tulad niya?

“Napakaigsi ng name niya para hindi siya makilala. Kung uso pa ngayon ang sinakulo, e, puwedeng-puwede siyang gumanap na bida,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kylie, kapos sa respeto...

Hindi nababantayan ni Kylie Padilla ang kanyang dila. Matulis, matalim, may kabastusan. Pero bahag naman ang kanyang buntot.

Tinutudyo kami ng kaibigan naming propesor, “Bakit ka pumatol sa starlet? Sa estado n’yo ni Manay Lolit Solis, e, pang-superstar level na lang dapat ang pinapatulan n’yo?”

Natawa kami sa opinyon ni prop, may katotohanan ang kanyang sinabi, pero may mga pagkakataon na hindi na tayo namimili ng papatulan para makapaglabas tayo ng emosyon tungkol sa mga taong kapos sa respeto.

Dalawang klase ng tao ang nakakaengkuwentro natin. Isang nagbibigay sa atin ng mga leksiyon ng buhay at isang kailangan nating pitikin para may mapulot na aral.

Si Kylie Padilla ay kabilang sa ikalawang lahi. Napakalayo ng kanyang ugali kay Robin Padilla, ang kanyang ama, na sumikat nang sikat na sikat pero hindi nagtangkang panghimasukan ang trabaho ng mga manunulat.

Heto ang isang Kylie Padilla na ni dulo ng hintuturo ng popularidad ng kanyang ama ay hindi pa nararating pero umaasta nang akala mo kung sinong may karapatang diktahan ang mga kolumnista.

Kung gusto niyang hindi na siya inoopinyunan ay bakit kasi hindi niya agarang sagutin ang matapang na pahayag ng kanyang asawang si Aljur Abrenica? Tilarin niya ‘yun, isa-isa niyang tugunan, at du’n siya susukatin ng mga manunulat.

Nagtitimpi lang daw siya para sa kanyang mga anak, palusot pa ni Kylie, na inalmahan ng mga kababayan natin. Oo nga naman kasi. Kung tunay niyang mahal at nagmamalasakit siya sa mga anak nila ni Aljur, bakit niya isinapubliko ang problema nilang mag-asawa, samantalang ang makakaresolba lang naman nu’n ay silang dalawa lang?

Sinisiraan daw namin siya, kilala raw niya kung sino ang aming source, ano raw ba ang mapapala namin sa paninira sa kanya? Ang tinutukoy niyang impormante namin, pero hindi lang niya madiretsong pagbintangan, ay ang pamilya mismo ni Aljur na ni hindi nga namin nakakausap.

Lalong nag-umigting ang kanyang galit nang purihin namin si AJ Raval na nililigawan ni Aljur, kahanga-hanga naman talaga ang marespetong panghihingi nito ng dispensa sa mga nasaktan sa pagbabahagi nito sa matapang na post ni Aljur, hindi lahat ay makakatanggap ng pagkakamali na tulad ng ipinakita ni AJ Raval.

Mas batang naturingan pero mas hinog na ang isip nito kesa kay Kylie na nagmamatapang pa sa kabila ng paghamon ni Aljur kung sino ba sa kanilang dalawa ang unang nangloko?

Sino ba ang totoong sumira sa kanilang relasyon? Bakit ba siya iniwan ni Aljur? Bakit hindi ‘yun ang kanyang sagutin nang punto por punto?

Bakit niya reresbakan ang mga manunulat? Ano ang kapasidad niyang magdikta ng kung ano lang ang puwede naming opinyunan? Sino siya para magturo samantalang siya nga mismo ay walang natututuhan?

Sabi nga ni SOS na nakapusan din sa respeto ng post ni Kylie, “Huwag kasing ilayo ng super-starlet na ‘yan ang issue! Huwag niyang i-divert, sagutin niya ang hamon ni Aljur!

“Bakit nananahimik siya sa mga akusasyon ni Aljur? Sagutin na niya para hindi na kami mainip pa!” inis na komento ni SOS.

KYLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with