Lucky mommy naman ni Carmina Villarroel. Beautederm baby agad ang anak niyang si Cassy na bagay naman talagang mag-endorse ng skin products dahil makinis at maputi. Talagang namana ng mga anak nina Carmina at Zoren Legaspi ang kanilang showbiz blood dahil sa pinasok din nilang career.
Mukha namang magandang endorser si Cassy dahil very cooperative ito sa lahat ng marketing plan para lalo pang maging top seller ang Beautederm products ni Rhea Tan na kahit pandemic ang sipag ng strategy para laging nasa top of the line ang mga produkto nila.
Beautederm, pangbagets at pang-seniors, kaya buy na kayo ng cream at sabon nito.
Dalagitang polio victim, grabe ang tuwa sa wheelchair ni Gretchen
Siguro, Salve, lahat nang nakatanggap ng mga bigas, love box at wheelchair na bigay ni Gretchen Barretto forever ng nakatanim sa puso nila ang pasasalamat. Kasi parang naiyak ako doon sa isang dalagita na polio victim na nakatanggap ng wheelchair dahil teary eyed siya nang sakyan ito. Para bang ‘yung wheelchair ang pinaka-precious na bagay sa buhay niya.
Siguro iyon ang happiness na nagiging feeling ng isang nagbibigay, ‘yung makita ang satisfaction sa mukha ng binigyan. For that one single moment, parang may reason ka nang lalo na mag-share ng anumang blessing mo. Talagang ‘pag meron kang sobra, at ibinahagi mo sa iba, filled of happiness ang puso mo. I can just imagine how Gretchen feels sa tuwing may nagbibigay ng pasasalamat sa kanya.
So lucky indeed. Maganda na ang mukha, maganda pa ang puso. Para ring si Ana Abiera na walang pagod sa paghahatid ng mga biyaya. God bless you.