^

PSN Showbiz

Cassy, swak agad na endorser

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cassy, swak agad na endorser
Rhea Tan at Cassy
STAR/ File

Lucky mommy naman ni Carmina Villarroel. Beautederm baby agad ang anak niyang si Cassy na bagay naman talagang mag-endorse ng skin products dahil makinis at maputi. Talagang namana ng mga anak nina Carmina at Zoren Legaspi ang kanilang showbiz blood dahil sa pinasok din nilang career.

Mukha namang magandang endorser si Cassy dahil very cooperative ito sa lahat  ng marketing plan para lalo pang maging top seller ang Beautederm products ni Rhea Tan na kahit pandemic ang sipag ng strategy para laging nasa top of the line ang mga produkto nila.

Beautederm, pangbagets at pang-seniors, kaya buy na kayo ng cream at sabon nito.

Dalagitang polio victim, grabe ang tuwa sa wheelchair ni Gretchen

Siguro, Salve, lahat nang nakatanggap ng mga bigas, love box at wheelchair na bigay ni Gretchen Barretto forever ng nakatanim sa puso nila ang pasasalamat. Kasi parang naiyak ako doon sa isang dalagita na polio victim na nakatanggap ng wheelchair dahil teary eyed siya nang sakyan ito. Para bang ‘yung wheelchair ang pinaka-precious na bagay sa buhay niya.

Siguro iyon ang happiness na nagiging feeling ng isang nagbibigay, ‘yung makita ang satisfaction sa mukha ng binigyan. For that one single moment, parang may reason ka nang lalo na mag-share ng anumang bles­sing mo. Talagang ‘pag meron kang sobra, at ibinahagi mo sa iba, filled of happiness ang puso mo. I can just imagine how Gretchen feels sa tuwing may nagbibigay ng pasasalamat sa kanya.

So lucky indeed. Maganda na ang mukha, maganda pa ang puso. Para ring si Ana Abiera na walang pagod sa paghahatid ng mga biyaya. God bless you.

GRETCHEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with