Piolo at Shaina nilantad na ang relasyon, Raymart at Jodi ka-double date?!
Ah ‘shipper’ nina Piolo Pascual and Shaina Magdayao ang nag-post ng date double date supposedly nila sa Bohol – Papa P / Shaina and Raymart Santiago / Jodi Sta. Maria na hot item kahapon sa social media.
May photo na magkakasama silang apat at isang hindi identified guy at meron namang nasa yacht sina Piolo and Shaina habang nagre-relax at nakahiga si Piolo sa hita ni Shaina habang nakahiga sa dibdib ng aktor si Shaina.
Sina Raymart and Jodi hindi na nakakagulat dahil common knowledge na ang relasyon nila though low key sila. Pero si Piolo and Shaina ay hindi visible at walang inaamin.
Nagbibigay noon ng hint si Piolo tungkol kay Shaina pero si Shaina ay consistent na sinasabi na wala talaga sila ng aktor. Pero noon ‘yun, before pandemic.
Hindi klaro kung ‘fake’ or ‘authentic’ ang nasabing photo or throwback dahil nang bisitahin ko ang IG page nina Piolo at Shaina wala silang photo na out of town.
Si Jodi naman ay last April pa nag-Bohol ayon sa kanyang post.
Si Raymart naman ay hindi aktibo sa kanyang social media account.
Sana nga ay totoo na sina Papa P and Shaina. Bagay sila at walang dapat ilihim. Hindi na sila mga bata para maapektuhan ang fans.
- Latest