Inihayag ng ABS-CBN Film Productions na makikipag-sanib pwersa ito sa Global One Studios ng India para sa adaptation ng limang pelikula na pinagbibidahan ng box office stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Yes, you read it right. Nakatakdang gawan ng Bollywood remake ang KathNiel movies na pinilihan sa mga sinehan noong bago nagkaroon ng pandemya at may franchise ang ABS-CBN.
Ito na ang kauna-unahang pagkakataon para sa Philippine cinema na madala ang ilan sa tumatak na pelikulang Pinoy sa India na itinuturing na isa sa pinakamalaking film market sa buong mundo. Itatampok sa magiging Bollywood remake ang mga artista at talented Indian loveteams.
“Isang napakagandang oportunidad ito para sa ABS-CBN Films na mabahagi ang mga ‘di malilimutang kwento natin at maghatid ng inspirasyon sa global audiences,” sabi ni ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan. “Maraming pagkakatulad ang Pilipinas at India, gaya ng pagpapahalaga natin sa pamilya na talaga namang ramdam sa ating mga pelikula at ngayon ay maaari na ring umabot sa mga Indian.”
“We are happy to be associated with ABS-CBN Films to bring their well-crafted love stories to the people of India by adapting their heartrending films in Indian languages. Family bonding and cultural values are common to both Philippines and India, which are captured seamlessly in their films. This will be the first time that five Filipino films will be remade in India and we are excited to join hands with ABS-CBN to showcase their relationship stories with the same intense and emotions through our films,” ayon naman kay Ramesh Krishnamoorthy, President ng Global One Studios.
Kabilang sa magkakaroon ng Indian remake ang mga pelikulang Barcelona: A Love Untold, Can’t Help Falling In Love, Crazy Beautiful You, She’s Dating the Gangster, at The Hows Of Us, na naging highest grossing Filipino film noong 2018.
Kasabay ng proyekto ang pagdiriwang ng KatNiel ng kanilang ika-10 taon bilang loveteam. Nagsimula ang dalawa na magsama sa telebisyon noong 2011 at nang naglaon ay bumida na rin sa iba’t ibang movie projects.
Gawa ng magagaling na Pinoy filmmakers at screenwriters, hatid ng mga pelikulang ito ang iba’t ibang kwento ng pagsisikap at pag-asa na tiyak na magbibigay inspirasyon para sa mga taga-India sa gagawing local adaptation.
Samantala, nanatiling tahimik ang magka-loveteam sa mga pagbabanta ng ilan nilang followers kaugnay sa desisyon ni Karla Estrada na pumasok na rin sa pulitika - sa Tingog Partlist - kung saan third nominee ang ina ni Daniel. Diumano’y ibo-boycott nila si Karla dahil kasama ang grupong Tingog sa nag-no sa renewal ng franchise ng Kapamilya Network.
Anyway, at least for a chance, Pinoy films ang gagawan nila ng remake at hindi ang mga Pinoy ang gagawa ng local adaptation / remake.