Unica Hija nina Gretchen at Tony Boy, engaged na!
Engaged na ang only daughter nina Tony Boy Cojuangco and Ms. Gretchen Barretto na si Dominique sa negosyanteng si Michael Hearn base sa kanyang post sa Instagram.
“For life,” lang ang caption ni Dominique habang suot ang engagement ring at nakatalikod ang magiging asawa.
Mabilis napansin ang singsing dahil ang simple pero sa marunong tumigin ng alahas, alam na agad na galing Gemma Fine Jewelry By Vechler.
Kabilang naman sa nag-congratulate ang tita niyang si Claudine Barretto. “Congratulations my Baby. so happy for you.”
Wala pang reaction si Gretchen sa engagement ni Dominique kay Michael.
Base sa post ni La Greta nasa Amanpulo siya para sa isang kasalan.
By the way, tuluy-tuloy ang pamimigay ni Gretchen ng love box, wheelchair at bigas. As in kuwento ni Ms. Ana Abiera, ang in-charge sa pamimigay ng ayuda ni La Greta ngayong pandemya, kailangan na nilang mag-rent ng isang place para paglagyan ng mga supply na inilalagay nila sa box na in all fairness ay hindi mumurahin. Mga imported ang goods at ang lalaki ng size. Maging ang bigas ay first class.
- Latest