Bayani, hindi nawalan ng puwang sa noontime show
Thankful and grateful naman si Bayani Agbayani na hanggang ngayon ay napapanood pa rin siya sa noontime show, LOL. “Kasi, nag-umpisa ako sa noontime, until now, 2021 na, nasa noontime pa rin ako,” aniya.
Nauna siyang napanood sa Lunch Date and SST: Salo-Salo Together. “Kasama rin ako sa Katok, Mga Misis, naging noontime din yun. Tapos, paglipat sa Channel 2, ‘Sang Linggo nAPO Sila. Naging Magandang Tanghali, Bayan. Esep-Esep. Naikot ko ang mga noontime show, lagi pong opposite sa Eat Bulaga.”
Kaya naman talagang todo ang pasasalamat niya na kahit may pandemya, nasa noontime show pa rin siya.
Bukod sa may trabaho siya, nagpapasalamat siya at maganda ang samahan nila sa LOL. “Lalo kaming naging close! Masarap! Kasi, alam mo, ang pangarap ng bawat artista is maging regular sa isang noontime show. Kasi, iba ang exposure mo, daily. Tapos, primetime. Alam mo naman ‘pag tanghali, feeling mo, lahat nakatutok sa ‘yo, nanonood. ‘Yan ang mga pangarap namin.
“E, ako, sa noontime na ako tumanda. Until now, hindi ko na naisip na magkakaroon pa ako ng noontime show. Salamat sa Diyos, kasi, andito pa rin ako. Minsan nga, lumilingon ako patalikod, sabi ko, ‘Parang ako na lang ‘yung natira,’ diretsong pahayag ni Yani sa taping pa rin ng LOL.
- Latest