Sakalaunan ay ang naturalesa pa rin ang lumulutang. Sabi pa nga, ang tanso kapag itinubog sa ginto ay tanso pa rin, kukupas at kukupas.
?At ang unggoy, damitan man ng ginto, ay mananatilingunggoy. Sa panahon ng eleksiyon ay kaliwa’t kanang patutsadahan ang maririnig. Kakapusin ng bato ang mgailog at sapa dahil sa pagpupukulan ng mga kumakandidato.
Sentrong target ngayon ng ating mga kababayan, lalo na ng mga tagasuporta ng pulitikong kanyang pinatutsadahan, ang isang male personality.
Meron naman siyang nagawa sa mga nakaraan niyang panunungkulan, maayos ang kanyang pagseserbisyo-publiko, pero may katulisan ang kanyang dila.
?Napapailing na unang komento ng aming impormante, “Ang ganda-ganda na sana ng entrada niya, maraming humahanga sa pinagmulan niya na ginamit niyang armas satagumpay.
?“Pero hindi nabantayan ng mga political advisers niya ang bibig ng male politician, wala pa naman siyang binabasang script, kaya ayun, sa kanya bumalik ang mgapatutsada niya!
“’Yun ang dapat nilang tutukan, masakit magsalita ang minamanok nila, pakawala siya nang pakawala ng mga balana sa kanya rin naman bumabalik at tumatama!” madiing buwena-mano ng aming impormante.
?May nagkuwento na madali pala kasing urutin ang male politician. Konting kalabit lang sa kanya ng mga miron ay agaran na siyang nagpapadala.
?Balik-kuwento ng aming source, “Mismong mga dating kasamahan niya ang nagsasabi na madali siyang madala sa mga palakpak. Kapag naririnig na niya ang pagbubunyi ng mga miron sa paligid niya, e, para siyang sinasaksakan ng dextrose!
?“Gustung-gusto pala niya ang ganu’n, pero pagkatapos niyang magsalita at binibira na siya, e, du’n pa lang niya naiisip na sumobra pala sa langis ang madulas niyang dila!
“Pikon din siya, mahilig mangbengga, hindi siya papayag na hindi niya sagutin ang mga salitang ipinatutungkol sa kanya! Du’n siya matatalo sa laban! Balat-sibuyas siyang masyado, samantalang napakaanghang din naman ng dila niya!
?“Napakatayog na nga ng lipad ng mga pangarap niya, e, magyayabang pa siya? Naku, walang ibang pupuntahanang male politician na ‘yun kundi kangkungan!” sabi pa ng naiinis naming source.
?At may pahabol pa ang aming impormante, “Napakataas ng lipad niya, kaya sigurado ring super-lakasang lagapak niya!”
?Ubos!
Ciara, iniyakan, nasaktan at nadismaya sa salpukan ng kanyang daddy tito at bayaw na si Sen. Kiko
Ramdam na ramdam namin ang ipinost na saloobin ni Ciara Sotto tungkol sa paglalaban ng kanyang ama at bayaw sa darating na eleksiyon.
?Mapaghamon ang mundo ng pulitika, may mga pagkakataong kailangang kalimutan ng mga tatakbo ang relasyong pampamilya, lalo na ang matibay na pundasyonng samahan.
?Mag-aagawan sa posisyon ng pagiging vice-president sina Senate President Tito Sotto at si Senador Kiko Pangilinan. Malapit ang dugong nag-uugnay sa kanila.
?Pamangking-buo ni Helen Gamboa na asawa ni SP Tito Sotto si Sharon Cuneta na misis naman ni Senador Kiko Pangilinan.
?Panganay na anak na itinuturing nina Ate Helen at SP Sotto ang Megastar. Magkakadugtong ang pusod nila kungdugo ang magiging barometro.
Ipinagdasal ni Ciara ang kanyang aksiyon, maglalabas ba siya ng emosyon tungkol sa laban ng kanyang ama at bayaw, o mananatili na lang siyang tahimik?
?Iniyakan ni Ciara ang senaryo, ang kanyang komento, “I cried because I am so hurt ang disappointed. It made me feel that my parents were of no value after all.
?“Ate has always been considered and treated like a daughter by my Dad and especially my Mom. I will continue to pray for them….”
?Kahit naman siguro sino ang lumagay sa sapatos ni Ciara at ng kanyang mga kapatid ay ganu’n din ang mararamdaman. Iisang dugo kasi silang magkakampi-kampihan.
?Masakit tanggapin, pero iba ang mundo ng pulitika, totoong-totoo na sa larangang ito ay walang magu-magulang, kapa-kapatid, kai-kaibigan at kung anu-ano pang matatag na relasyon.
?May mga mag-ama ngang nag-aagawan sa posisyon, may mga mag-inang nagsisiraan, may mga magkakapatid na nagbabatuhan ng putik sa publiko.
?Hindi pa nagbabahagi ng kanyang saloobin ang Megastar tungkol sa mapaghamong kaganapan, pero isang araw ay maglalantad din ng kanyang posisyon si Sharon, isang napakalaking kontrobersiya ang ipanganganak kapag nagkataon.