Ang galing nang mag-drawing ni Zia Dantes. Sa IG stories ni Marian ay pinakita niya ang mga ginawa ng eldest daughter nila ni Dingdong Dantes. May unicorn cat, mother and daughter at iba pa.
Parang nagmana nga si Zia kay Marian na isa ring artist. Actually, single pa si Marian nagpi-paint na siya. More on flowers ang pinipinta niya.
If I’m not mistaken, nagbalak si Marian noon na magkaroon ng painting exhibit at may mga nag-commit na bibili. Pero hindi na-materialize hanggang nagpakasal na sila ni Dingdong.
Sana nga ituloy ni Marian ang pagpipinta.
Pero ang isang siguradong kinakarir ni Marian ay ang negosyo niyang Flora Vida by Marian na kahapon ay inilabas na niya sa social media. “In between taking care of my family and shoots for work, I also give my 100% to my other baby — @floravidabymarian.”