Wow sosyal naman ng sikat na online seller na si madam inutz na certified recording artist na rin at napapakinggan ang debut single na pinamagatang inutil.
Imagine after almost a week, almost a million na ang number of views ng kanta at pulos positive ang feedback.
“Sobrang priceless ang pagtanggap ng publiko sa single ni Madam Inutz, malapit nang ma-reach ang 1 million views for one week, not bad as a starter.
“Kaya na-motivate kaming gumawa ng Christmas song naman niya,” chika ng manager niyang Wilbert Tolentino.
“Sangkap ng Pasko ang title. Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makaka-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya,” dagdag pang sabi ng manager.
In fairness sa manager niya ha, binonggahan naman kasi nito ang unang kanta ng alaga na may music video pa. “Mula sa director, sa prod, sa stylist, make-up artist, hairstylist, lahat po. Mula sa music na ang nag-compose ay si Ryan Soto na matagal ko nang ka-tandem sa entertainment industry.
“Talagang pinaghandaan po namin ang music video dahil debut single niya ito at kailangang tumatak talaga sa masa,” deklara pa ni Kuya Wil.
Kailan niya naman nalaman na marunong palang kumanta si Madam Inutz bukod sa pagbebenta? “Actually, bago siya nagpa-handle sa akin bilang talent manager niya, tinanong ko muna kung ano ang pinaka-talent niya, doon lang ako humugot para i-groom si Madam Inutz. Deserve niyang tulungan, hindi lang siya nabigyan ng break. Matagal na siyang hindi kumakanta at need niya na ibalik iyon, kasi noong narinig ko ang boses niya, sobrang ganda.”
Zero ang lovelife ni Madam Inutz ngayon pero nang-echos siyang keri naman ang tumikim. Sinong aktor ang bet niyang maka-date kung sakali? “Iyong yummy talaga? Siyempre si Ian Veneracion, hahahaha!”
Inaangkin naman ni Sir Wil na kanya si Ian. Paano na?
“Ay sorry! Kay Sir Wilbert nga pala iyon, hahaha! Kasi si Ian, guwapo pa rin siya, matipuno pa rin... doon mo talaga makikita ‘yong tunay na sarap! Hahaha! Pero sige, magpapaubaya na ako, hahaha,” lahad naman ni Madam Inutz na tumatawa.
Anyway, mapapakinggan pa rin ang kantang Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.