Bongga ang Tulfo family ni Papa Raffy. ‘Di ba ang asawa ni Papa Raffy ay isang congresswoman ng partylist, ngayon naman tumatakbo rin para sa Congress ang anak niyang lalaki na si Ralph at si Raffy Tulfo naman ay tatakbong Senador.
Wow ‘di ba, halos buong pamilya nila nasa pulitika na at siguro nga rito sila itinakda ng kapalaran. Bongga dahil nasa top of the line si Papa Raffy sa lineup ng mga tatakbong senador kaya masasabi na nating sure win ito sa kanya.
Kaya ‘pag nagkataon, buong pamilya Tulfo nasa Congress at Senado. Maganda naman dahil siyempre ‘pag nag-uusap sila tiyak na ang kalagayan ng bansa ang top topic nila at pinag-iisipan nila ng solusyon. Siguro nga mas maganda ‘pag buong pamilya sa iisang linya ng propesyon para nakikita nila nang mas madali ang solusyon.
Go go Papa Raffy, hanggang Senado ipakita mo ang lakas ng tulong mo sa mga tao. Bongga!
Mga palabas sa TV puro replay, mga sinehan hinihintay buksan
Ang dami pa rin palang naghihintay ng Metro Manila Film Festival sa December. Akala nila baka raw magbukas ang mga sinehan dahil Pasko. Talagang hindi rin nawala sa isip ng mga manonood ang mga nagaganap ‘pag December kung saan talagang malaking pelikula, at halos lahat ng malaking stars kasali.
Hindi man maganap ito ngayon, siguro hindi naman lubos na mawawala. Marami pa rin naman ang nababalitaan nating magandang foreign films, ang hindi na nga lang gumagalaw ang movie production natin, pero baka sakali kung magbubukas ang mga sinehan.
Hindi pa rin naman ganun kalaki ang kinikita sa streaming, hindi kagaya ng talagang sa sine ka mismo nanood. Pero ang tanong, kelan? Mangyayari pa kaya?
Pati nga sa TV puro replay ang napapanood mo, nalilito ka na tuloy. Naku noh, sayang naman ang baguhan stars at mga may dream na pumasok sa showbiz. Kaya dapat, active uli, trabaho uli ang showbiz industry. Fighting! Fighting!