Pagkatapos ng more than five years na pagiging bestfriend o sidekick ng bida, finally bida na ang actor na si Andrew Gan.
Kasama nga sa mga naging proyekto ng alaga ng talent manager na si Leo Dominguez ang Batang Foz, Super Ma’am, The Third Party at Henerasyong Sumuko sa Love. Pero ito, sa wakas, bida na siya, sa BL series na Limited Edition.
Ikinuwento ni Andrew sa isang virtual solo conference na inimbita siyang mag-audition para sa pelikula na maiden offering ng BragaisTV ng Pinoy shoe designer na si Jojo Bragais.
At suwerte, siya ang napili para gumanap sa lead role ni Jethro, isang balikbayan mula sa New York.
Aminado si Andrew na matagal na niyang bet gumawa ng BL na usung-uso ngayong may pandemya.
Well, may mga natanggap na siyang offer bago niya ginawa ang Limited Edition pero aniya, tinanggihan niya dahil karamihan daw sa mga iyon ay pulos pagpapakita lamang ng katawan at walang bigat ang istorya. “Gusto ko naman ’yung mas malaman ang story like Game Boys or Gaya sa Pelikula,” katuwiran niya.
Hindi naman daw sa may qualms siya sa paggawa ng mga ganitong klase ng proyekto, pero ‘yun nga depende raw sa istorya. “Kasi kung sina Coco Martin and Joem Bascon nga, nagawa nila ’yun, sino naman ako, ’di ba?,” pahayag pa niya.
Thankful ang actor sa nasabing proyekto lalo na nga at apektado talaga ang negosyo niyang binuksan – spa – ilang buwan lang bago nag-pandemic.
Hindi pa niya sinasara ang nasabing spa center dahil naaawa siya sa mga tauhan niya pero limited ang operation dahil na rin sa ipinatutupad na guideline ng IATF.
Sinubukan din niya ang online selling ng pagkain bilang graduate siya ng Culinary Arts – pack meals.
Samantala, pang-Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman ang kuwento nang buhay ng binata. Naghiwalay ang parents niya noong teenager pa lang siya - 13 years old.
Itinaguyod ng kanyang tita ang pag-aaral niya pero ngayon ay maayos na ang relasyon niya sa kanilang ama.
Anyway, matagal na nilang natapos ang shooting Limited Edition kung saan nag-lock in sila for three weeks. “Madaming heavy scenes na magaganap. Sobrang free will kami gawin yung gusto namin. Kaya sobrang thankful,” sabi pa ng actor.
Ang naging sad part lang, na-corrupt ang file ng kabuuan ng pelikula kaya talagang na-challenge sila particular na ang producer nilang si Jojo Bragais na nag-design ng mga sinuot na sapatos ng mga kandidata this year sa Miss Universe.
Pero naayos din naman daw. Na-recover ito ng isang production group at napapanood na ito sa kasalukuyan sa BragaisTV umpisa pa noong Sabado, Oct. 2.