^

PSN Showbiz

John Lapus, ginalit ang mga DDS!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lapus, ginalit ang mga DDS!
John
STAR/ File

Ang daming netizens na nag-react sa itinweet ni John Lapus pagkatapos mag-file ni Sen. Bong Go na kakandidatong VP kasama si Pres. Duterte na nag-announce ng kanyang retirement sa pulitika.

Tweet ni Sweet; “Diyos ko Lord! Tulungan nyo po kami. Yung Pangulo namin inaakay na.”

Samu’t sari ang mga reaksyon, pero talagang galit ang mga DDS na kaagad na nagtatanggol sa ating Pangulo.

Sabi ng isang netizen; “Alam mo ‘yung karma? Matanda na Yong tao, binu-bully mo pa. Dahan-dahan baka bukas or di natin alam, malalaman mo na lang ikaw naman ang inaakay.”

Pero marami rin ang nag-comment ng mga puna nila sa Pangulo. Kaya hindi naiwasang nagbangayan na sila sa Twitter.

Marami pang magaganap sa filing of candidacy. At sa showbiz naman ay padag­dag nang padagdag na rin ang mga gustong pumasok sa pulitika.

Andrew E., nabawasan ang raket sa jingle ng mga pulitiko

Sa nalalapit na election fever, magiging panahon na rin ito sa performers na madalas na nakakaraket sa campaign period.

Pero dahil sa pandemya, bawal ang mga malakihang gathering kagaya nung nag-iikot ang mga kandidato sa pangangampanya.

Isa nga sa malakas kapag panahon ng kampanya ay si Andrew E. Magaling naman kasi talaga siyang mag-perform at kaya niyang mag-ipon ng tao sa campaign sorties.

Pero sabi ni Andrew E., iba na raw ngayon dahil karamihan ay idinadaan na sa digital o online. Analog versus digital na raw ang labanan.

‘“Yung bagay na ‘yun ay analog, eh ngayon ay digital. Ang gagawin ngayon ng mga pulitiko ay makipagkita sa mga tao in digital form,” pakli ni Andrew E. nang makatsikahan ko sa DZRH para sa promo ng pelikula niyang Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan na mag-streaming na sa Vivamax sa Oct. 8.

Sabi pa ng master rapper at aktor; “Feeling at nararamdaman ko sa aking isipan ay ang unang phase na gagawin ng mga pulitiko ay makipagkita sa mga tao in digital form. ‘Yun ang unang phase, o maybe hanggang sa gitnang phase ng kanilang election campaign ay makipagkita at makipagniig sila sa pamamagitan ng digital form.”

Kahit digital at hindi pa puwede ang face to face na event, nakakatanggap pa rin naman ng raket si Andrew E. dahil sa mga jingle na pinapagawa sa kanya.

Keri pa rin naman daw rumaket ang mga artista sa digital.

“Sa digital form naman ay pasok pa rin naman tayo,” pakli ni Andrew E.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with