^

PSN Showbiz

Aktor mas maarte pa sa gf, ‘di natatagalan ng driver at PA

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagbibilang pala ng piloto ang isang kilalang male personality. Hindi tumatagal sa pagseserbisyo sa kanya ang mga driver ng aktor.

Maraming kuwentong alam ang aming impormante kung bakit umaalis ang kanyang mga driver, kakaiba rin pala ang male personality na ito, nakakaloka siya.

Unang kuwento ng aming source, “Siya ang male version ng female personality na kapag nagre-report sa shooting at taping niya, e, akala mo siya maglilipat-bahay.

“’Yung girl, e, may dala-dalang mga kitchenware, may mini ref pa, para talaga siyang lumilipat ng tirahan.

“Ito namang male personality, e, ganu’n din, pero mga personal stuff niya naman ang bitbit niya sa set. Parang good for one month ang mga dinadala niyang kagamitan!”

Dahil sa dami ng mga dala-dalang kagamitan ng male perso­nality ay natural lang na pagod na pagod ang driver niya. Humahagok sa pagod ang dribam, lalo na kapag hindi pa kumakain, kaya hindi nagtatagal sa kanya.

Sabi ng isang male personality na nakatrabaho ng aktor sa isang pelikula, “E, sobra namang kasi siyang OA! Ang requirement lang na outfit sa kanya, e, tatlo, pero sampu ang dinadala niya!

“Dalawang sapatos lang, e, okey na, pero dinadala na yata niya ang lahat ng shoes niya! Talagang walang PA at driver na tatagal sa kanya kapag ganu’n siya!

“One time, e, sa isang resort ang location namin. Nakakaawa ang driver niya dahil pabalik-balik sa naka-assign na cottage para sa kanya! Marami siyang ipinakukuha, e, napakahirap pa namang maglakad sa buhanginan, di ba?” tawa nang tawang chika ng male personality na nakatrabaho ng maarteng aktor.

Mas maarte pa kuno ang male personality kesa sa kanyang popular na girlfriend. Simple lang ang girl, hindi banidosa, kumpara sa male personality na ito na sobrang maalaga sa sarili niya.

Kuwento uli ng aming source, “Ang bilis-bilis maligo ng girl, kahit mahaba pa ang hair niya, samantalang ang male personality na ito, e, parang gusto nang tumira sa CR kapag naliligo siya!

“Naku, lagyan natin ng ekis (X) ang name ng maarteng male personality na ‘yun! Kalalaking tao niya, e, super ang kaartehan niya! Pero hindi naman siya magaling umarte!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sen. Manny, handa nang makipagsagupaan ng lakas sa pulitika

Tanggap ng mga tagasuporta ng Pambansang Kamao ang desisyon niyang talikuran na ang boxing. Tama lang, sabi ng mga nagmamalasakit sa kanya, dahil mas malaking laban ang haharapin niya sa panguluhan.

Siguradong nabasag ang puso ni Senador Manny Pacquiao sa pinal niyang desisyon, milagro ang ginawa ng mundo ng boksing sa kanyang mga pangarap, mula sa kawalan ay bilyonaryo na siya ngayon.

Pero ito ‘yung tinatawag na sangandaan ng buhay (crossroad). Sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niyang pumili. Sabay ba niyang haharapin ang laban sa pulitika at sa lona? Isa lang ang dapat niyang piliin.

Dapat niyang isipin na hindi na siya si Pacman sampung taon na ang nakararaan. Nagkakaedad na siya, bumabagal na ang kanyang galaw, namumulikat na nga ang magkabila niyang binti.

‘Yun ang katotohanang hindi puwedeng ipagkaila ng mga manlalaro. Uusad ang panahon, madadagdagan ang kanilang edad, hihina ang kanilang katawan.

“I just heard the final bell. Goodbye, boxing,” pahayag ni Senador Manny sa kanyang pamama­alam sa mundong nagpabago sa antas ng kanyang buhay. Ang sakit-sakit nu’n. Dalawang dekada siyang tinanghal na kampeon sa walong dibisyon.

Alaala na lang ang lahat para sa kanya ngayon, mga video at larawan na lang ang tititigan niya, pero pamamaalam na may saysay dahil ilang ulit niyang isinulat ang pangalan ng ating bayan sa mapa ng buong mundo.

Binigyan niya ng karangalan ang Pilipinas, kahit pa sabihing pangpersonal na kapakanan lang naman ang mga pakikipagsagupaan niya, kinilalang Pacman country ang Pinas.

Sa pagsagupa niya sa bagong laban ng kanyang buhay at pangarap ay mas malaking porsiyento ang naniniwalang hindi siya makalulusot. Hinahanapan siya ng mga katangiang pampangulo ng ating mga kababayan.

Pero hindi man matupad ang kanyang ambisyong maging pangulo ay nagpakita rin siya ng kabangisan hindi lang sa lona kundi maging sa linya ng pulitika. Siya lang ang nagkaroon ng balls sa pagsasabing lalanusin niya ang mga kurap sa ating pamahalaan at sabay-sabay niyang ipakukulong.

Pilipit man ang dila ng senador-boksingero, meron bang ibang pulitikong nagpamalas ng ganu’ng katapangan, meron ba?

MANNY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with