^

PSN Showbiz

Metro Manila mananatili sa Alert Level 4 hanggang ika-15 ng Oktubre

Philstar.com
Metro Manila mananatili sa Alert Level 4 hanggang ika-15 ng Oktubre
Commuters prepare their face shields as they board an EDSA carousel bus at the Monumento station in Quezon City on Sept. 23, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Updated 10:44 p.m.) — Mananatili sa Alert Level 4 ng COVID-19 restrictions ang National Capital Region (NCR) sa pagpapatuloy ng pagpapatupad ng bagong alert level system sa rehiyon.

Ngayong araw kasi mag-e-expire ang Alert Level 4 na umiiral sa Kamaynilaan, bagay na nagbigay ng ilang kaluwagan para sa mga residente at negosyong umiiral sa punong rehiyon.

"The Inter-Agency Task Force (IATF), in its September 30 meeting, decided to extend the pilot implementation of the Alert Levels System in the National Capital Region (NCR) until October 15, 2021," ayon sa isang pahayag ng Presidential Communications Operations Office.

Magiging epektibo ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila mula ika-1 ng Oktubre hanggang sa ika-15.

Bagamat mataas pa rin ang alert level, pumayag na ang IATF na itaas sa 20% ng capacity para sa dine-in services, in-person religious services at personal care services para sa mga fully vaccinated na. 

Papayagan na rin magbukas ang fitness studio at gyms sa 20% capacity para sa mga fully vaccinated na pero kailangan lahat ng staff ay bakunado na rin.

"Both clients and service providers shall also wear face mask at all times and no group activities will be allowed," ayon sa pahayag ng PCOO.

"Further, establishments allowed to operate under Alert Level 4, which have been awarded the Safety Seal Certification shall be allowed additional venue capacity of 10 percent beyond the prescribed venue or seating capacity."

Quarantine sa ibang bahagi ng Pilipinas

Sa ibang bahagi ng bansa na nasa naunang quarantine classification system, ibinaba ng IATF ang susunod na mga klasipikasyon:

Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Okt. 15

  • Apayao
  • Batanes
  • Bataan
  • Bulacan
  • Cavite
  • Iloilo
  • Kalinga
  • Laguna
  • Rizal
  • Lucena City
  • Naga City

General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions hanggang Okt.31

  • Abra
  • Batangas
  • Bohol
  • Cagayan
  • Capiz
  • Davao del Norte
  • Davao Occidental
  • Ilocos Sur
  • Isabela
  • Misamis Oriental
  • Negros Oriental
  • Nueva Vizcaya
  • Pangasinan
  • Quezon
  • Quirino
  • Surigao del Sur
  • Zamboanga del Norte
  • Zamboanga del Sur
  • Bacolod City
  • Baguio City
  • Butuan City
  • Cagayan de Oro City
  • City of Santiago
  • Iloilo City
  • Lapu-Lapu City

Ang Davao de Oro ay nasa GCQ with heightened restrictions mula Okt.1-15.

Nasa ilalim naman ng GCQ ang mga sumusunod na lugar:

Luzon

 

  • Albay
  • Benguet
  • Camarines Norte
  • Dagupan City
  • Ifugao
  • Ilocos Norte
  • Marinduque
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • Puerto Princesa
  • Tarlac

Visayas

  • Aklan
  • Antique
  • Cebu City
  • Cebu Province
  • Guimaras
  • Mandaue City
  • Negros Occidental
  • Siquijor
  • Tacloban City

Mindanao

  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Cotabato City
  • Davao City
  • Davao Oriental
  • Davao del Sur
  • Dinagat Islands
  • General Santos City
  • Iligan City
  • Lanao del Sur
  • Misamis Occidental
  • North Cotabato
  • Sarangani
  • South Cotabato
  • Sultan Kudarat
  • Surigao del Norte
  • Zamboanga City
  • Zamboanga Sibugay

"The rest of the Philippines will be under Modified General Community Quarantine (MGCQ)," ayon din sa pahayag sa PCOO website.

Alert Level 3 inasahan

Kanina lang nang banggitin ni presidential spokesperson Harry Roque na imimumungkahi ng mga Metro Manila mayors ang pagpapatupad ng mas maluwag na Alert Level 3 para na rin mapayagang magbukas ang mas maraming establisyamento sa ngalan ng ekonomiya.

Wika ni Roque, suportado ng Malacañang ang naturang suwestyon. Gayunpaman, Department of Health (DOH) pa rin sa huli't huli ang mededesisyon pagdating sa ibababang alert levels.

Gayunpaman, nasa kamay na ng local government units kung magpapatupad sila ng pinakamahihigpit na granular lockdowns sa iilang lugar na may konsentrasyon ng COVID-19 infections.

Lunes lang nang sabihin ni DOH  Epidemiology Bureau director Alethea De Guzman na maaaring manatili sa Alert Level 4 ang Metro Manila pagdating sa mga kasalukuyang metrics.

Umabot na sa 2.54 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng gobyerno. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang nasa 38,294 katao. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

HARRY ROQUE

NOVEL CORNAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with