Arjo bubuhayin ang Cattleya Killer, matindi ang naging takot nang magka-COVID

Arjo.

Naniniwala si Arjo Atayde na isinalba siya ng bakuna sa malalang epekto ng COVID-19.

Magaling na magaling na sa kasalukuyan ang aktor.

Sa interview ng PhilStar last Sunday, umamin ang aktor na ang karanasan niya sa COVID ang isa sa pinaka-nakakatakot na bahagi ng kanyang buhay. “I am very, very scared because obviously, pneumonia. And I had severe back pain, you cannot imagine, it was so painful. For some weird reason, biglang ang sakit ng likod mo, mahapdi and the doctor told me that it was already building pneumonia. It wasn’t helping. Nag-fi-freak out na ako,  I was thinking, oh my God, this is not even a joke anymore. That was one of the scariest times of my life. I’ve never been this scared,” pag-alala niya sa pinagdaanan sa nasabing interview.

Isa pang naging reyalisyon niya nang magkasakit - na ito ay mental game - lalo na nga at aminado siyang naramdaman niya ang lahat ng simtomas kasama ang matinding pananakit ng likod na hindi niya raw alam kung saan nanggaga­ling bukod pa sa naranasang hirap sa pag­hinga ayon pa sa aktor.

Sinabi rin niyang nasa pagitan siya ng moderate to severe case. “It’s such a mental game, just thinking about your family. Iniisip mo kasi with COVID, para kang ticking time bomb. Kailangan maagapan kaagad. You can’t just say ipapabukas ko na ‘to. Kailangan ‘pag nalaman mo, you have to do something about it,” sabi pa niya.

Nauna nang nagkaroon ng COVID-19 ang parents niyang si Art Atayde and Sylvia Sanchez noong nakaraang taon.

Ngayong magaling na magaling na ang actor at  nakahanda na uling bumalik sa shooting sa Baguio para sa pelikulang Hey Joe, sobra-sobra ang pasasalamat niya sa mga nagdasal at nagpalakas ng loob niya habang nakikipaglaban sa virus particular na ang mga taong hindi niya inaasahang magti-text sa kanya. “I would always be thankful to my family, to (girlfriend) Maine (Mendoza) and to everyone else who’s always there. But not only thank them but also a reminder to everyone that when someone gets this, it’s the hardest to stay positive, but fight it. There’s hope in everything. Hangga’t may hininga, may pag-asa.”

Yup, plantsado na kung anuman ang naging issue ng grupo ni Arjo sa local government ng Baguio City.

Umaasa silang by October ay aakyat na sila uli ng Baguio para tapusin ang Hey Joe ng Feelmaking Productions, Inc. (FPI) na last two shooting days na lang.

Kuwento ito ng relasyon ng mag-lola, si Nova Villa ang gumaganap niyang lola under FPI na sariling company nila ng mga kaibigan niyang sina Direk Avel Sunpongco and Marj So.

Matagal na itong pangarap ni Anjo na supposedly ay pagbibidahan ng namayapang si Eddie Garcia pero nang pinag-uusapan na nila ay nama­alam ang iconic actor kaya nagkaroon sila ng gender revision sa character ng kuwento.

Umamin din siya sa nasabing interview na isa sa mga plano niya ang magka-pamilya.

So alam na ito. Common knowledge na matibay ang relasyon nila ni Maine.

Samantala, pangungunahan ng 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor ang bagong international project ng ABS-CBN.

 Inanunsyo sa TV Patrol the other night ni Direk Ruel S. Bayani, ang head ng ABS-CBN International Production and Co-Production division, na pagbibidahan nga ni Arjo ang The Rebirth of the Cattleya Killer.

Hango ang The Rebirth of the Cattleya Killer sa pelikulang Sa Aking Mga Kamay noong 1996 ng Star Cinema na tungkol sa isang serial killer na pumapatay sa mga babaeng nagtataksil sa asawa at ginampanan noon ni Aga Muhlach.

Ayon kay Direk Ruel, si Arjo ang nakita nilang ‘best choice’ na bida para sa serye, na kanilang sisimulang i-shoot ngayong taon.

“He has a proven track-record of giving justice to the diverse roles he has portrayed through the years. His depth and range as an actor will definitely give a fresh take on this 1996 classic,” aniya.

“First of all, ABS-CBN never fails to surprise me all the time with all these characters. It’s one hell of a story. It’s one hell of a character, and it’s not normally done here.  This is one of the most powerful stories that they’re gonna remake. I am proud to be part of it. Hopefully, the Cattleya Killer could be one if not the possible door to ABS-CBN stepping into the foreign industry,” pagbabahagi naman ni Arjo, na huling nagdala ng karangalan sa bansa sa kanyang pagganap sa critically-acclaimed iWantTFC original series na Bagman.

Ang award-winning filmmaker na si Dan Villegas ang magsisilbing direktor ng The Rebirth of the Cattleya Killer. Katulong niya sa paggawa ng serye ang mga Pilipinong producer ng Almost Paradise, ang kauna-unahang U.S. TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.

Kasali rin ang The Rebirth of the Cattleya Killer sa 2021 Full Circle Series Lab, isang ta­lent development program na pinangungunahan nina Matthieu Darras at Izabela Igel kasama ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Isa ito sa mga napiling konsepto mula sa buong Southeast Asia.

Samantala, wala na ring atrasan ang planong pagpasok sa pulitika ng mahusay na aktor.

Show comments