^

PSN Showbiz

Kuya Kim, Kapuso na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kuya Kim, Kapuso na!
Kuya Kim.

Kapuso na si Kuya Kim Atienza.

Pinagdudahan pang si Kuya Boy Abunda ang lilipat dahil nga sa teaser na Kuya.

Pero kumpirmado na, si Kuya Kim.

Naglabas na rin ng teaser ang GMA 7.

At tulad sa mga naunang sinabi niya, hindi na niya babalikan ang pulitika.

Naging councilor si Kuya Kim ng three terms sa 5th district ng Manila.

Papasok umano ang trivia king sa 24 Oras bilang weather reporter na dati niyang ginagawa sa TV Patrol.

Cocojul, sabay nagparehistro

Sabay nagparehistro kahapon sina Coco Martin and Julia Montes sa isang mall para makaboto sa 2022.

Kasabay  nito, ginunita ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano  sa pangunguna ng CocoJul ang ikaanim na anibersaryo ng pag-ere ng unang episode ng longest-running action drama series sa bansa noong Martes (Setyembre 28).

“Maraming maraming salamat sa lahat na hanggang ngayon ay sumusubaybay at sumusuporta sa  FPJ’s Ang Probinsyano. Happy sixth anniversary, mga Kapamilya!” pahayag ng buong cast sa isang video na inilabas ng Dreamscape Entertainment.

Kasalukuyang naka-taping break ang grupo mula sa kanilang lock-in sa Ilocos.

Pinasalamatan naman ni Coco ang viewers at ang lahat ng mga bumubuo sa programa.

 Nagpahayag din ng pasasalamat si Susan Roces at nagsabing, “Sa loob ng anim na taon, masaya ako na na­ging parte ako ng pamilyang ito. Para sa lahat ng mga ka-Probinsyano, maraming maraming salamat sa pagtangkilik ninyo, sa pagtulong ninyo, sa pagmamahal ninyo. Pinagbuklod tayong lahat bilang isang pamilya – sa isip, sa puso, at sa gawa. Happy happy sixth anniversary. ”

Tinawag naman ni Angel Aquino na pangalawang pamilya ang show.

Kanya-kanya ring pahayag ng kanilang pasasalamat sa kani-kanilang social media accounts ang ibang co-stars gaya nina Lorna Tolentino, Rosanna Roces, John Estrada, John Arcilla, Rowell Santiago, Joseph Marco, John Prats, Geoff Eigenmann, at marami pang iba.

Sa nakalipas na anim na taon, nagkamit na rin pala ang programa ng higit sa 100 awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Mula sa telebisyon, kinapitan ng mga manonood ang kwento ni Cardo hanggang sa digital noong ito ang maging unang Pinoy teleserye na ipinalabas sa YouTube, kung saan paulit-ulit nitong sinira ang sarili nitong viewership record na umabot sa all-time high na 162,831 concurrent viewers.

Nakatakdang bumalik ang grupo sa Ilocos sa second week of October para ituloy ang taping.

Sikat na online seller, recording artist na rin!

Bongga, recording artist na ang social media sensation na si Madam Inutz o Daisy Lopez. Ito’y via her debut single na pinamagatang Inutil.

Ang kilala ring social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing instrumento sa bagong career ni Madam Inutz.

Imagine nga naman mula sa kanyang pag-uukay-ukay, sa tulong ni Wilbert ay naging ganap na siyang recording artist.

Nauna na ngang napabilib si Kuya Wil sa talent ng kanyang alaga. “Bagay sa kanya ang mga novelty, rap, hiphop, rock, lalong-lalo ang mga tunog kalye. Tipong Sampaguita, Aegis, o Up Dharma Down ang datingan. Mabilis niyang na-tutunan ang mga melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake ayon sa kanyang style. Sobra ring professional at walang reklamo sa oras”

Sa kantang ito umano makikilala ang pagkatao ng kilalang social media personality - kung paano at saan ba siya nag-umpisa ayon pa sa kanyang talent manager.

Bukod pa sa talagang pang-masa raw ang tunog nito. “Madali rin itong saya­win, madaling kantahin plus, mahalaga na catchy talaga ang song.”

Mapapakinggan ang Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc. 

In all fairness, kinarir naman daw talaga ni Madam Inutz ang nasabing kanta.

“Ilang araw din akong hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsigaw sa online selling para makondisyon ang boses ko. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy,” chika niya.

Todo naman ang pasasalamat nito sa manager niya.

“Sa dinami-rami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging isang recording artist at may sariling music video, ako pa ang napili ng tadhana. Sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert,” aniya.

 Aminado ang sikat na online seller na never na sumagi sa isip niya na magiging singer siya.

“Kasi ang alam ko lang, magtinda ng ukay-ukay online para lang may pambayad sa upa at panggamot sa nanay ko na na-stroke at five years nang bedridden. Pero may dumating na anghel sa buhay ko at binigyan ako ng opportunity na maging singer at recortding artist.”

 

KIM ATIENZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with