^

PSN Showbiz

Ria Atayde saludo sa extension ng voter's registration, idinulog haba ng pila 'mula madaling araw'

James Relativo - Philstar.com
Ria Atayde saludo sa extension ng voter's registration, idinulog haba ng pila 'mula madaling araw'
Kuha ng aktres na si Ria Atayde ng We the Youth Vote PH (kaliwa) at kuha ng mahahabang pila ng mga nais magparehistro sa Comelec ng hatinggabi (kanan) nitong ika-27 ng Setyembre, 2021
Video grab mula sa #ExtendTheReg online press conference; The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinalakpakan ng isang aktres ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na pahabain pa ang period ng pagpaparehistro ng mga bagong botante sa susunod na taon, ngunit umaasang mapaaayos pa ang proseso sa pagpaparehistro.

Ika-28 lang nang kumpirmahin ni Surigao del Norte Rep. Francisco Matugas na bumigay ang Comelec sa pressure ng Konggreso at publiko na palawigin ang pagpaparehistro para sa 2022 national elections ng isa pang buwan hanggang ika-31 ng Oktubre.

"We [thank] Comelec for extending the voter's registration, but of course we always remain vigilant in calling for a better registration system," wika ng aktres na si Ria Atayde ng We the Youth Vote PH kasama ang iba pang progresibong kabataan, Miyerkules.

"Hopefully, the concerns, especially the long lines as early as 1 a.m., the limited slots and the turning away of people... will be addressed as time progresses."

Ani Ria, anak ng aktres na si Sylvia Sanchez at kapatid ng aktor na si Arjo, Hulyo pa lang nakatatanggap na ang grupo nila ng reklamong may mga pumipila na ng 3 a.m. ng madaling araw sa Comelec para lang makakuha ng slot sa pagpaparehistro.

Sa ilang lugar, nakatanggap na rin daw sila ng mga feedback gaya ng pagpapaalis ng mga pumila nang maaga matapos kunin ng mga "hakot" ng isang sikat na pulitiko ang mga nasabing slots.

Huwebes noong nakaraang linggo lang nang makaranas ang aktres na si Barbie Forteza ng parehong problema, noong bunuin niya ang haba ng pila bandang 4 a.m. para makapagparehistro bago ang eleksyon. Sa isang litrato, makikitang nakaupo na ang Kapuso actress sa sidewalk.

 

 

Ayon naman kay Kej Andres, national spokesperson ng Student Christian Movement of the Philippines, sa parehong online briefing, "biyaya" ang pagpapahaba ng voter registration ngunit hindi raw ito sana nakamit kung hindi kumilos ang mamamayan online at on-ground para mapalahok sa demokrasya ang taumbayan.

Sabi naman ni Jason Anchores, deputy convenor for network ng 1SAMBAYAN Youth, mahalagang bahagi ang pagpaparehistro para mahamon ang administrasyong magbigay ng polisiyang sasagot sa kagutuman, COVID-19 pandemic, red-tagging, kawalan ng trabaho, atbp.

"I strongly believe that the extension of voter registration is a way to make sure that more participate, and it helps ensure the validity of the majority of the elections," patuloy ni Ria.

"I'd just like to call out to everybody who has not yet registered to vote to go out and to register to vote. It is our right, it is our duty, it is our power, a power to choose, a power to decide for the future of our country. Let's not let anyone take our power."

'Haba ng pila dahil marami pang unregistered'

Winelcome din ngayong araw ng Bayan Muna party-list ang desisyon ng Comelec lalo na't kitang-kita naman daw na "kilo-kilometro" ang pila sa Comelec boths sa nakaraang linggo, sinyales na marami pa ang hindi nakakarehistro.

"The long lines is also a testament that our countrymen want to exercise their right to vote and change the current incompetent administration," ani  House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate kanina.

"More registered voters will also be a safeguard if some unscrupulous groups may try to cheat in the elections by way of the reactivated voters in the past years."

Dagdag pa nina Zarate, tangkang-taka sila ngayon kung bakit tinapyasan ng Department of Budget and Management ang orihinal na P42 milyon budget ng Comelec ng 64%, dahilan para maging P26 bilyon na lang ito sa susunod na taon.

Sa ganitong kalakaran, mahihirapan daw ang komisyong mag-organisa at mabantayan ang magiging conduct ng eleksyon: "[W]ith the future of our country at stake and we will work hard for the Comelec to have its budget restored," sabi pa ng Davao-based solon.

1SAMBAYAN

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAYAN MUNA PARTY-LIST

COMMISSION ON ELECTIONS

RIA ATAYDE

STUDENT CHRISTIAN MOVEMENT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with