^

PSN Showbiz

Faith, lutang ang pagka-in love kay Albert

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Faith, lutang ang pagka-in love kay Albert
Faith.

Sa mga sagot ni Faith da Silva, halatang merong namamagitan sa kanila ni Albert Martinez na kasama niya sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Las Hermanas.

Si Faith, kasama si Claire Castro ang guests sa The Boobay and Tekla Show nung Linggo ng gabi at sa mga sagot ni Faith tungkol sa actor, ramdam mo ang kilig sa mga sinasabi niya.

Hindi man niya diretsahang inaming may namumuong magandang relasyon sa kanila, iba ang nakikita mong nararamdaman niya sa aktor.“We’re close and komportable kami sa isa’t isa. May mga bagay sa buhay niya na alam ko and marami kaming things na gusto na parehas.

“Mahilig din siya mag-workout and he eats healthy…mostly ‘yun ang mga napapag-usapan namin. And pagdating nga sa trabaho talaga, since he’s Albert Martinez, hindi lang napakagaling na aktor kundi director din ‘di ba? So, grabe ‘yung pressure na na-feel ko talaga when I got the project. Pero you know, since he was there for me, lahat tinatanong ko sa kanya, sinasagot niya sa akin, na may puso nararamdaman ko talaga na gusto niyang mag-excel ako with what I do. Marami.”

Tinanong siya kung may ‘something’ bang namumuo sa kanilang dalawa. “Iba ‘yung relationship namin together. Komportabe kami sa isa’t isa. Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me. Maalaga kasi talaga siya eh. And very grateful ako na ‘yung side na ‘yun of him ay nakita ko dahil hindi ko ini-expect na ang isang beteranong aktor ay ganun makitungo sa akin,” nakangiting pahayag ni Faith.

Tila may kilig pa ang pagkasabi ni Faith nang hiningan siya ng mensahe para kay Albert. “Hi direk Albert. I just wanna say thank you dahil isang karangalan na makatrabaho ka at makilala ka. Sana magkatrabaho pa tayo ulit soon, at sana magkita ulit tayo, soon?” sabi ni Faith.

Sinundan ng tanong si Faith ng nasa Mema Squad ng TBATS kung bukas ba siya sa posibilidad na makarelasyon ang isang lalaking malaki ang agwat ng edad. “For me walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo ‘yung nararamdaman mo sa tao. Regardless of the age… kahit anong bagay ‘yan basta mahal n’yo ang isa’t-isa, wala kayong tinatapakang tao, I go lang ‘yan,” makahulugang pahayag ng magandang aktres.

Sa susunod na buwan pa ang airing ng Las Hermanas, at ewan ko kung okay lang na ang isyu nila ni Albert ang magagamit sa promo.

John, tanggap na ‘di imbitado sa kasal nina Derek at Ellen

Okay na okay lang kay John Estrada kung hindi siya imbitahan sa kasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Iilan lang ang napadalhan ng Save the Date, na sobrang confidential ang date.

May ilang taga-showbiz ang napadalhan dahil nasa entourage sila, pero mukhang wala pa silang nai-invite na ilang kaibigan.

Understandable naman dahil mahigpit pa talaga ngayon at limitado lang ang puwedeng imbitahin sa mga ganu’ng okasyon.

Kaya tinanong ko na rin si John kung napadalhan ba siya ng Save the Date.

“I don’t expect to be invited, and I’m really okay with it. I have better things to do,” text sa akin ni John.

Nasa lock-in taping pa si John ng Ang Probinsyano, at mukhang matatagalan pa siya roon.

Nag-break lang daw sila sandali at sa Oct. 8 ay babalik na uli sila ng Ilocos para ipagpatuloy ang taping ng naturang teleseye ni Coco Martin.

 

FAITH DA SILVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with