‘Eating (you) & exercising (me)’ ng boyfriend ni Pia, binigyan ng malisya!

Pia at Jeremy

May funny reaction ang netizens sa post ng boyfriend ni Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey.

Well, alam n’yo naman ang mga Pinoy.

Meron kasing part doon na ‘eating (you) and exercising (me)’ na sa unang basa ay may naughty interpretation.

But anyway, maraming kinilig sa nasabing post ng travel influencer dahil ramdam ng netizens na mahal talaga nito si Pia.

Heto ang buong post ni Jeremy para sa birthday ng dating Miss Universe : “Where do I begin? Another year of love, laughter and adventures together @piawurtzbach

“Making memories to last a lifetime, eating (you) and exercising (me) our way around the world and having each others backs through all the ups & downs :) I couldn’t be more proud and grateful for you, so this year I thought I’d save the embarrassing photos and share some of our nice ones.... happy birthday baby, mahal kita.”

Samantala, mukhang ayos na si Pia at ang sister niyang si Sarah.

Panay ang comment nito sa post ni Pia at meron din itong pa-birthday post sa kapatid pero walang nakakakitang sumasagot sa comment box si Pia. “Always looking ahead, never looking back. Happy Birthday sis, I love you,” sabi ni Sarah.

Maalalang nag-rant ang sister ni Sarah sa social media tungkol sa problema nila at ng kanilang ina.

Tony Velasquez at Danny Buenafe, asintado pa rin sa teleradyo

Nakahanap ng bagong susubaybayan na tandem para sa balita at impormasyon kina Tony Velasquez at Danny Buenafe, ang mga beteranong anchor ng programang On The Spot sa TeleRadyo.

Pinagsama nga ang dalawang batikang mamamahayag sa programa noong Oktubre 2020, kung saan masusi nilang hinihimay ang pinakamainit na isyu sa bansa habang inaaliw din ang kanilang mga tagapanood at tagapakinig sa kanilang masayang palitan ng kuro-kuro.

Ayon kay Tony, na anchor din sa iba pang programa ng ABS-CBN News, malaking bagay ang pagkakaibigan nila ni Danny kung kaya pumatok ang kanilang tandem. Aniya, pareho silang dating political beat reporter at doon sila nagkaroon ng respeto at paghanga sa kakayahan ng isa’t isa at pareho rin daw sila ng paraan sa pagpapatawa.

Sinang-ayunan naman ito ni Danny, na nanindigan din na sa kabila ng kanilang pagpapagaan sa mabibigat na usapan, nakatuon pa rin sila sa kanilang tungkulin bilang mamamahayag.

“Our commitment to our viewers is we will be more straightforward in discussing issues that matter. Mga issue na may epekto sa bawat Pinoy lalo na masa. Kailangan may konting lalim sa pagtalakay at pagtatanong sa mga news sources,” sabi ng dating news bureau chief ng network sa Europe at Middle East.

May paliwanag din si ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head Ging Reyes kung bakit patok ang kombinasyon nina Danny at Tony sa On The Spot, na isa na ngayon sa pinakamalakas na programa ng TeleRadyo.

“Tony and Danny have a deep understanding of government, policy issues, politics. And in their own engaging voices, they can discuss and explain complex topics to our audience. They also genuinely enjoy each other’s company and it shows. We’re proud that On The Spot is now among the top 5 programs of Teleradyo,” aniya

Mag-iisang taon pa lamang ang tambalang Tony V. at Danny B. pero pareho silang ilang dekada nang naglilingkod bilang mga tagapaghatid ng balita. Bukod sa maraming taon bilang reporter, nakilala rin si Tony bilang host at anchor ng mga programang Verum Est Future Perfect at The World Tonight Headline Pilipinas.

Si Danny naman, 16 taon inilagi sa ibang bansa para itaguyod ang presensya ng ABS-CBN News sa mundo habang ibinabalita rin ang mga pangyayari na nakaaapekto sa overseas Filipinos. Bumalik siya mula sa pagreretiro noong 2019.

Mapapanood ang On The Spot mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 am sa TeleRadyo sa cable at online sa iWantTFC, DZMM TeleRadyo Facebook, ABS-CBN News YouTube channel, at sa ABS-CBN News App.

Show comments