^

PSN Showbiz

Pero umaming naging marupok at gago...Paolo nag-sorry kay LJ, itinangging nagdodroga pangalan ni Yen nilinis sa third party!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pero umaming naging marupok at gago...Paolo nag-sorry kay LJ, itinangging nagdodroga pangalan ni Yen nilinis sa third party!
LJ at Paolo.

Matapos ang mahaba-habang pakikipag-usap sa kanyang mga ‘adviser’, nagsalita na finally si Paolo Contis tungkol sa totoong nangyari sa kanila ng ex-live-in partner niyang si LJ Reyes kung saan nagkaroon sila ng isang anak, si Summer, na kasalukuyang nasa New York.

Sa kanyang statement kahapon ay sinabi ng aktor na walang ibang may kasalanan sa nangyari kundi siya pero itinanggi niyang si Yen Santos na leading lady niya sa trending movie na A Faraway Land ang third party.

Narito ang buong post ni Paolo kahapon :

“After lumabas ng interview ni LJ, katakot-takot na pang-aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sanang manahimik kaya lang marami nang mga na­dadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…

“1. Drugs - Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.

“2. Third Party - Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.

“3. Yen Santos - She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.

“4. Baguio - When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.

“5. Lolit (Solis) - Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo ‘di ba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang nag-uusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy (Fermin).

“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag-usap kami ng maayos para sa bata. Marami pang kailangan pag-usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.

“I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian (Paz) and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin. I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.

“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.

“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat-lahat.

“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you.”

Naging national issue nga ang tungkol sa hiwalayan nila ni LJ na sangkot ang pangalan ni Yen.

At least ngayon, malinaw na ang lahat. Umamin si Paolo sa siya ang may kasalanan ng lahat.

Pero ang isang sigurado, ang dakila ni Paolo, ang haba ng hair.

Nauna ngang nagpa-interview si LJ tungkol sa nangyari sa kanilang hiwalayan ng Kapuso actor.

LJ REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with