Gretchen, binigyan ng ayuda kahit kaaway!
Walang tatalo pa sa ginawa ni Gretchen Barretto na pamimigay ng Gretchen Love Box o Gretchen Ayuda.
Walang puwedeng itapat ang celebrities na nababalitang multi-million ang kinikita, merong collection ng mamahaling Hermes bags, signature shoes, jewelry etc. Mga celebrity na konti lang ang ibinigay o inaabot, nasa news agad.
Mga ang yayabang na kumikita ng malaki pero para namang ang baba ng tingin sa mga tinulungan.
Si Gretchen sa tulong ni Ana Abiera at ilang member ng press tulad nila Francis Simeon kinuha ang mga address ng bawat bibigyan ng Gretchen Love Box, personal na dinala sa bawat bahay.
Hindi gumagawa ng pelikula, serye, o anuman si Gretchen. Hindi rin siya tatakbo sa eleksyon.
Wala lang, gusto niya lang bigyan ang almost 100% ng showbiz press, mga kapwa artista at ilang taga-showbiz na nakasama niya.
Magandang klase ng bigas ang binigay niya, imported ang karamihan sa groceries at lalong hindi mukhang ayuda ng DSWD.
Kabati o kaaway niya pinadalhan din niya.
Walang nakagawa ng ganito sa top celebrities natin. Ngayon lang ito nangyari ng walang okasyon, pandemic nga pero matagal nang wala sa showbiz si Gretchen.
Wow, big brave heart talaga. Meron ding nagbigay ng P1M na hindi nagpakilala, may nag-abot ng P150K at P100K. Tulong sa showbiz writers dahil nga pandemic. Pero ayaw ipabanggit ang mga pangalan.
Kaya kadiri ‘yung stars na konti lang ang inaabot, pupuntahan mo pa para makuha, compared sa mga tao na tulad ni Gretchen na talagang nagbigay-respeto dahil personal na dinala ang tulong o regalo sa bahay ng bawat isa.
For the longest time hindi malilimutan ng showbiz ang ginawang ito ni Gretchen.
Kung sinuman ang nag-advice nito kay Gretchen has a bright mind. At kung ito ay mismong idea ni Gretchen, bow ako sa big heart niya. Incomparable, unforgettable, remarkable talaga. Ito talaga ang pinaka-brightest moment niya.
Hindi puwedeng tapatan ang gesture na ito, kahit pa nga sabihing kaya rin itong bilhin ng ibang binigyan. ‘Yung thoughts na kaakibat ng gesture ang talagang kahanga-hanga.
Nasaan na ang mga nagsasabi na multi-million ang kinikita nila? Na kaya nilang bumili ng Hermes o Rolex? Hindi nila naisip ang ginawa ni Gretchen.
Hindi iilan lang tao, almost 100% ng showbiz.
At kahit gawin n’yo pa ngayon, nauna na si Gretchen.
Babu.
- Latest