Rico Blanco nawala ang pagiging misteryoso, naging fresh sa relasyon nila ni Maris!

Rico at Maris
STAR/ File

Naging fresh ang awra ng rock singer na si Rico Blanco since naglantad silang may relasyon ng Kapamilya young actress / singer na si Maris Racal.

Nawala na rin ang pagiging mysterious nito at nagti-TikTok na kasama ang dyowa.

There was a time na nagkaroon diumano sila ng relasyon ni KC Concepcion pero very quick lang as in madalian.

Pero ngayon, very open siya sa relasyon sa mas batang si Maris.

Twenty five years ang age gap nina Rico and Maris. Twenty three si Maris and 48 ang dating member ng bandang Rivermaya.

By the way, isa nga pala si Maris sa nanawagang i-extend ang voter’s registration na magtatapos na by the end of the month. Tweet nito. “Sana talaga i-extend ang registration kasi ang hirap ng 300 slots lang per day tapos 4 days a week lang dito. Please extend voter’s registration!”

Anyway, recently lang ay inilunsad ang anniversary version ng kantang Pinoy Ako na nagkaroon ng pagbabago sa titulo at bagong areglo na maririnig sa Pinoy Tayo mula sa music icon na si Rico.

Ito ang anniversary version ng makabayang awitin na unang narinig taong 2005 mula sa bandang Orange and Lemons.

Ngayon, ang remake ni Rico naman ang magsisilbing official theme song ng nalalapit na Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10. “It’s such an honor to do the song. Just what it stands for. The original version is so well-loved,” ani Rico. “This is a chance to rediscover it,” dagdag niya sa ginanap sa media conference nito, virtually.

Sa panimula pa lang ng kanta ay maririnig na ang etnikong tunog sa bagong Pinoy Tayo, na komposisyon ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, Clem Castro, at Rico, na siya ring nagprodyus nito katulong si Jonathan bilang surpervising producer.

Dinetalye ni Rico ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng bagong bersyon. “Tinanong ko ang sarili ko ‘ano ba ‘yung ako’ and I put in all the small elements that my songs had throughout the years,” pagbabahagi niya.

“Excited ako about that happiness na mabibigay ng kanta. It’s a very bright, upbeat song, and I kept that from the original version,” dagdag pa niya.

Samantala, bukod sa pagiging theme song ng PBB, nakatakda ring maging lead single ang Pinoy Tayo ng 25-track album na ilalabas ni Jonathan bilang pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa industriya.

Hindi pa rin makapaniwala ang multi-awarded singer at songwriter na si Jonathan sa naging tagumpay ng kanta bilang statement ng Pinoy pride at sa patuloy nitong pag-angat sa damdamin ng mga Pilipino mula sa iba-ibang henerasyon.

Masaya rin niyang ibinahagi na finally ay naisakatuparan na ang dream collaboration niya kasama ang isang icon at legend sa katauhan ni Rico.

Samantala, para sa mga nagnanais maging Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate, maaari nang mag-audition ang may edad 20 hanggang 40 taon bilang adult housemates hanggang Sept. 30.

Show comments