Pinasalamatan si Bianca Gonzalez ng mga sumusuporta sa mga biktima ng Martial Law sa pagtindig nito sa panig nila.
Ito ay matapos ngang maging kontrobersyal ang interview ng malapit niyang kaibigan at kasamahan sa PBB na si Toni Gonzaga sa ninong nila sa kasal ni Direk Paul Soriano, si former Senator Bongbong Marcos.
Marami kasing nagtatanong kay Bianca bakit tahimik siya sa kabila ng ginagawang ‘diumano’y’ propaganda ni Toni para sa imahe ng anak ng dating pangulo ng bansa samantalang kilalang ‘palaban’ si Bianca.
Kaya naman sumagot siya na kinausap niya si Toni privately at naniniwala siya na may kanya-kanyang pananaw ang bawat tao. “Many of you have been tagging me. My stand has always, ever since, been very public : #NeverForget and #NeverAgain.
“I might have even seen some of you out at the rallies. I’ve gotten message asking, “Bakit tahimik ka sa issue??’ As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly. Because for me, that is what a true friend would do.
“Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.”
On point, right. Hindi kailangang idaan sa social media ang lahat lalo na kung kaibigan mo. May telepono at puwedeng pag-usapan nang maayos.
Besides talaga, sa lahat ng nangyayari, si Toni ang winner dito. Milyun-milyon na ang views ng nasabing interview at may katapat ‘yung halaga in US dollars sa kabila ng pamba-bash.