Kung maraming nanghihinayang na hindi tutuloy sa pagkandidatong senador sa 2022 si Rep. Lucy Torres, pinipigilan naman si Robin Padilla ng maraming netizens na ‘wag nang mag-pulitika.
Yup, overwhelming ‘no’ ang response ng maraming social media users sa tanong ni Robin kung ‘pelikula o pulitika’ ba.
Tatlong posisyon diumano ang pagpipilian ni Robin oras na mag-desisyong kumandidato - senatorial, governor or mayor (sa Camarines Norte).
Payo ng maraming social media users, gumawa na lang ang actor ng pelikula at tulungan ang asawang si Mariel Rodriguez na mag-vlog at mag-negosyo.
Parang pilitan lang naman daw kasi ang nangyayari kay Robin at hindi naman talaga nito gusto ang pulitika.
Nauna nang sinabi ni Robin na hindi maiibigay ng pulitika ang kinikita niya sa pulitika.
Sa isang interview ay sinabi nitong : “Ang pulitika kasi, hindi niya maibibigay ang kinikita ko.
“Siyempre hindi ko isasakripisyo ang show business. Mahal na mahal ko ang trabahong ito at nakakatulong naman ako ng direkta pa. Kasi nakita ko naman ‘yan sa pulitika ang tagal ng red tape. ‘Pag may humingi na tao, dadalhin ‘yung sulat sa ganito, bago makarating, ‘yung tao namatay na, humihingi ng pang-ospital eh. Ang mangyayari babalik na lang pang-burol na lang ang kailanganin. Gano’n kabagal ang bureaucracy. Eh ang sitwasyon ko ngayon ang bilis eh. ‘Pag may humingi ng tulong sa ‘yo, ‘yun na kaagad eh. Hindi ka naman humihingi ng pabalik, ‘yung pulitika sa tabi lang ‘yan,” makahulugang pahayag ni Binoe noong 2018 ‘yun.
Well, sa October na magkakaalaman kung sino-sino nga ba ang kakandidato so ilang tulog na lang ‘yun.