Rico at Maris mas naging magkasundo nang magkarelasyon!

Maris
STAR/ Filr

Mula nang naging magkasintahan ay mas naging maayos ang pagtatrabaho nina Maris Racal at Rico Blanco.

Ayon sa dating bokalista ng bandang Rivermaya ay magkasundung-magkasundo sila ng aktres pagdating sa musika.

Naging bukas din sa publiko ang magkasintahan tungkol sa kanilang relasyon “I feel kasi also we’re working in this space na she’s doing music, I’m doing music. She’s acting, she’s serious about her craft. So baka doon ako nakahanap ng area na si­guro comfortable ako pag-usapan because it’s not really a private thing. It’s about something that we’re both passionate about. I’d like to think that we still keep a lot of things private but we’re also excited to share when it’s about music or it’s about our art. So it’s not really difficult,” paliwanag ni Rico.

Ayon sa binata ay malaki na ang pagkakaiba ng trabaho ngayon kumpara noong mga panahon na walang pandemya. “I’m getting a lot of work done kasi tanggap na ng tao na I don’t need to go to the meeting physically. May challenge pa rin especially pagdating sa session musicians. Ang hirap rin ng hindi mo kasama sa isang kwarto when you’re figuring out if it’s a band kind of song. Siguro kung pop na arrangement and electronic okay lang. Pero I realized that ‘yung work with band feel of orchestra, ang hirap ‘yung element na ‘yon. I’m thankful naman na kahit paano there are ways pa rin. Art always finds ways to be expressed. Whether may pandemya ‘yan or may giyera or whatever the darkest days of mankind, art will always have a place and the same can be said in this day and age with what we’re going through,” pagbabahagi ng singer.

Si Rico ang kumanta ngayon ng Pinoy Tayo na theme song ng Pinoy Big Brother. Napapakinggan na ito sa pamamagitan ng Spotify, iTunes, Apple Music, YouTube at iba’t ibang streaming platforms.

Janine, ‘di makapaniwala sa narating

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala si Janine Berdin na naaabot na ang mga pinangarap lamang niya noon. Matatandaang 2018 nang manalo ang singer sa ikalalawang season ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. “Hindi ako makapaniwala na darating ako sa ganito and I really mean that kasi ‘yung goal ko talaga ever since is makatapak lang sa Tawag ng Tanghalan stage. That’s huge opportunity to perform for icons (mga hurado) and ‘yung goal na ‘yon, ‘yon lang ang iniisip ko kasi ‘pag nagawa ko na ‘yon, pwede na ako makakanta sa Cebu sa mga restaurants. When I won the title sabi ko, ‘Okay na ako. Wala na akong hihingin pang iba.’ Hindi ko talaga alam na maaabot ko kaya thanks to Tawag ng Tanghalan. It’s definitely more than mission accomplished para sa akin,” pagbabahagi ni Janine.

Kahit nabawasan ang mga trabaho dahil sa pagkakaroon ng pandemya ay patuloy pa rin ang singer sa pagbibigay ng magagandang musika. “What really inspires me siyempre mainly ‘yung passion ko for singing and for making music. Tapos nando’n din ‘yung people who believe in me, ‘yon ‘yung nagpapa-inspire talaga sa akin. It’s what keeps me going. Kasi it’s a really hard time and the only thing that will fuel us sa time na ganito is believing in each other,” paglalahad ng dalaga.

(Reports from JCC)

Show comments