Nag-viral ang binanggit ni Kisses Delavin sa interview ni tito Boy Abunda na P1,000 ang binibigay na baon sa kanya ng parents niya habang nag-aaral sa La Salle pero ang nagagastos lang daw niya ay P100.
Sa bahay na raw kasi siya kumakain para makatipid kaya nakaipon siya hanggang dumating na ang pandemic at naging virtual ang pag-aaral.
Hindi naman daw siya kuripot pero maingat daw kasi siya sa pera.
Kaya naman napa-sana all ang netizens.
Bakit daw ganun, samantalang comment ng iba, mas malaki pa ang allowance ni Kisses kesa sa frontliners at kasama sa nag-trending ang meme ng isang nurse na “si kisses P1K ang baon per day, ako na walang hazard pay.”
Anyway, pasok sa final 30 sa Miss Universe Philippines si Kisses na matutunghayan ang koronasyon sa pag-stream ng preliminary competition at grand coronation night sa KTX.PH mula Setyembre 21 hanggang Setyembre 25.
Mapapanood ang 30 kandidata sa tagisan ng talino sa preliminary question and answer competition sa Setyembre 21 (Martes) at sa paghaharap nila sa preliminary swimwear at gown competition sa Setyembre 23 (Huwebes). Sa Setyembre 25 (Sabado) naman matutunghayan ang pagkorona ng bagong pambato ng bansa sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa darating na Disyembre.
Nagsimula ang MUP maghanap ng susunod sa yapak ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo noong Hulyo sa pamamagitan ng iba’t ibang matinding online contest kasama ang headshot, runway, casting, at interview challenge.
Inanunsyo kamakailan ng Miss Universe Philippines ang 30 finalists, mula sa 100. Mas titindi pa ang laban dahil back to zero ang scores ng mga kandidata.
Sa halagang P599, mapapanood ng fans ang tatlong show.
So manalo kaya si Kisses?