Marami sa listeners namin sa DZRH ang pumuri kay Diego Loyzaga nang makapanayam namin ito nung Lunes ng gabi para i-promote ang pelikula niya sa Vivamax, ang Bekis On The Run, na magsisimula ang streaming sa Sept.17.
Naging seryoso si Diego sa aming panayam nang pag-usapan na ang mental health ngayong pandemya na lumalala pa ang sitwasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases kaya pabagu-bago ang quarantine status at nakakatakot pa rin ang patuloy na pananalasa ng Delta variant na ‘to.
Kaya apektado talaga ang utak natin. Nang pag-usapan namin ito ni Diego sa aming radio interview, sinabi nitong natapos na siya sa pinagdaanan nung nagka-depression siya, kaya kahit paano ay naha-handle na raw niya ngayon ang kanyang mental health.
“Ironic po siguro na ‘yung pinagdaanan ko was just before the pandemic and inabutan ako ng pandemic no? In a way parang naihanda ko na rin ‘yung sarili ko for things like this. Unexpected na maybe not all the time things go your way na biglaan you know. Wala kang trabaho, wala kang kita para ipakain sa pamilya mo. Hindi sigurado ‘yung kinabukasan.
“I’m sure hindi lang sa mga artist, sa celebrities, but the whole Philippines na dumaan talaga sa anxiety, ‘yung unsureness sa pandemic,” pakli ni Diego.
Kaya marami siyang payo para sa lahat lalo na sa mga kabataan kung paano natin harapin ang anxiety at depression.
Nasabi rin niyang may binabalak nga raw siya kasama ang kanyang ina at mga kaibigan na isang campaign para makatulong sa mental health issues. Hindi lang daw niya maidetalye sa ngayon, dahil masyado pang maaga.
Samantala, masaya si Diego na tuluy-tuloy ang communication niya sa kanyang mga kapatid. Napapadalas daw ang pagkikita niya sa mga kapatid niya kay Tita Sunshine Cruz niya at okay daw silang magkakapatid. “We’re just together nung birthday ni Samantha, sumunod naman si Angelina, then ‘yung birthday ni Cheska magkasunod sila. We’ve always been closed and they’re getting older na and I’m getting older, nasa young adult phase already siyempre nag-iba na ‘yung mga interests nila. As kuya I’m giving them advice pero at the same time, hinahayaan ko na lang sa lahat to become the people they want to be. Hindi naman puwedeng masakal. Hindi naman puwedeng ganun,” masayang tsika ni Diego.
Bukas din daw siya sa posibilidad na makita at makilala ang iba pa niyang kapatid sa kanyang amang si Cesar Montano.
“Yes of course! I’m waiting for the day. Basta ano siya… walang magagalit at walang may ma-upset, or walang masasaktan, let it be,” kaagad na sagot ng aktor.
Julie Anne, ipinakita ang totoong siya
Puspusan na ang promo ni Julie Anne San Jose sa kanyang Limitless, A Musical Trilogy na produced ng GMA Synergy. Sa Sept. 17 na ang unang episode nito na pinamagatang Breathe at proud na proud si Julie Anne dahil na-explore nila ang Mindanao at nagamit ang kanilang sining at kultura sa naturang lugar.
Malapit sa puso ni Julie Anne itong online musical trilogy na ito dahil dito nakita ang totoong siya.