Hanggang sa araw ng Linggo ay papayagan daw ng pamilya ng komedyanteng si Mahal na mapasyalan ng fans na gustong makiramay ang kanyang mga labi sa isang simbahan sa Quezon City.
Pero sinabi nilang mahigpit na ipatutupad ang safety protocols. Ibig sabihin kailangan naka-face mask, naka-face shield, at ipatutupad din ang limitasyon ng mga taong papapasukin sa burol.
Pero kung kami ang tatanungin ninyo, kaysa sa mag-usyoso pa kayo roon, pabayaan na lamang ninyo ang mga kaanak ni Mahal ang siyang magbigay pugay sa kanyang mga labi.
Maaari naman ninyong ipagdasal si Mahal o magpunta kayo sa alin mang simbahan at ipagtirik na lang ninyo siya ng kandila kaysa ilagay pa ninyo ang sarili ninyo sa panganib, at ganoon din naman ang mga kaanak ni Mahal sa panganib kung dadami ang mga tao at mawawala ang social distancing.
Tandaan ninyo, kahit na may bakuna kayo, tatamaan pa rin kayo ng COVID-19, wala pang maibibigay sa inyong booster dose dahil wala na raw pera para riyan ang gobyerno.
Pinuntahan ni LJ binaha, may bantang hurricane!
Mukhang hindi nga maganda ang timing ng pag-e-evacuate ni LJ Reyes kasama ang kanyang dalawang anak sa New York.
Kadarating pa lang nila roon nang lumubog ang New York sa matinding pagbaha na dala ng hurricane Ida. Nauna nang sinalanta ng napakalakas na bagyo ang Louisiana, at sinasabing mahigit na dalawampung tao na ang kumpirmadong namatay. Nagdeklara na ng state of emergency si President Joe Biden sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
May nagpadala sa amin ng video ng pagbaha sa New York na nagsabi rin iyon ang pinakamapaminsalang pagbaha sa lugar na iyon sa loob ng maraming taon.
Naisip nga namin, hindi bale si Aki eh kasi medyo malaki na iyon at saka anak naman iyon ni Paulo Avelino, pero naisip kaya ni Paolo Contis ang anak niyang si Summer na napakaliit pa, tapos nasa isang lugar na sinalanta ngayon ng isang napakalakas na bagyo at matinding pagbaha.
Tapos mga isang buwan na lang papasok na ang tag-lamig. Gusto lang kasi ni LJ na mabilis na makalayo para huwag maapektuhan ang kanyang mga anak, kaya naisipan niyang mabilisang magpunta sa New York kung saan andun ang kanyang ina at kapatid.
Hindi kami sa kani-kanino pero kawawa si LJ at lalo na ang kanyang mga anak sa napuntahan nila. Dito sa Pilipinas kahit na papaano marami silang matatakbuhan kung magkaroon man ng problema.
Hanggang sinusulat namin ito, wala pa ring report kung may mga Pilipino na nasawi sa baha sa New York, pero sinasabing may ilang Pilipino raw na na-trap sa kanilang lumubog na bahay.
Sana naman hindi madamay sila LJ.
Iyon daw nga ang kauna-unahang malawakang pagbaha sa Northeastern part ng USA.
May nabalita pang isang nurse na Pilipino na kalilipat lamang umano sa ipinagawa niyang bahay, pero nawala ang bahay dahil natangay ng malakas na agos ng baha.
Ipagdasal na lang natin si LJ at ang dalawa niyang anak na inabot ng ganyang emergency sa New York, na sinasabi ngang bukod sa malakas na hurricane ay nasabayan pa ng ilang tornado.
Dalawang baguhang male star, totohanan ang halikan
“Eh kasi mga totoong bakla naman sila,” sabi ng isang source namin nang mapag-usapan ang trailer ng isang internet series kung saan ipinakikitang naghahalikan nang todo ang dalawang bidang baguhang lalaki.
Iyong isa raw doon ay matagal nang model at influencer na hindi naman itinatago ang kayang gender preference maski na noong una pa, “hindi ba iyong isang interview niya na umiiyak pa siya, baklang-bakla na.”
Iyon naman daw isa pang good looking na newcomer, “bakla rin talaga siya kahit na sa school nila.”
Kaya naman pala wala na silang pakialam kahit na todo halikan ang ipinagawa sa kanila sa internet series nila. Natatanso pa naman nila ang audience nila eh. Pero para naman sa ibang bading ok lang daw iyon basta naghuhubad sila kahit na bading pa.